DARK PAST 10

2.8K 45 0
                                    

Someone POV

Flashback

Inilibot ni Aia ang paningin sa kabuan ng Black Heaven Society stadium, malawak ang lugar, nakapalibot ang upuang hindi bababa sa 20,000, ang kabuuan ng stadium ay hawig sa isang football stadium ang pinag-kaiba? mga buwaya at walang puso ang mga nakapalibot sa buong racetrack.

"Kumpadre, malaki ang pusta ko sa alaga mo dapat galingan nya...hahaha." Sabi ng isang lalaki na lumapit kay General.

"Guevarra, kilala mo naman ako hindi ako pumipili ng mga kuto dahil madali itong patayin ang mga alaga ko ay mga lisa maliksi at mahirap patayin." General grinned.

"Tsk..tsk..matinik ka pa din General Ledesma." Sabi ni Mr Guevarra at silay ng shake hands (langya conyo hihihi)

Nang maka-alis na si Guevarra binalingan naman ni General si Aia.

"Number one rule Aia, when you go out to the war, always be reminded by your reason why you're doing this. Don't just race around the track making the same mistakes over and over. Always spend some time separate and work at your weak points." Paalala ni general sa kanya.

"Gagawin ko to General hindi para sa pusta mo o ng mga kaibigan mo, gagawin ko to para sa sarili ko." Sabi ni Aia. Napangiti naman si General sa pahayag ni Aia.

Siyam silang magkakarera, wala siyang ibang alam na rule sa karerang ito bukod sa pag-ikaw ang panalo maswerte ka pag ikaw ang talo pasensyahan tayo dahil magkikita na kayo ni San Pedro.

"For this round pot money ladies and gentlemens, 12,000,000.00! wow! Just wow! So racers? Do your very best!" sabi ng emcee.

12,000,000.00?!? mga baliw ba sila? Naisip ni Aia habang isinusuot ang helmet.

A/N: pagpasensyahan! maisingit lang talaga mahalaga po kasi ito sa nabuo kung kwento kaya pagpasenyahan nyo ang mga sumusunod ay galing sa katalinuhan ni Google.

Sa pagsisimula ng karera mahigpit na nakahawak si Aia sa handlebar ng motor ito ang bumabalansi sa kanyang bigat, kumukontrol sa brake at clutch.

"Kung ano man ang kaya kung gawin kayo na pong bahala sa konsensya ko." Tahimik na dasal ni Aia.

Dahil mas betirano ang mga kasama, nahihirapang humabol si Aia. Nakaliko na sa first lap ang ilan ngunit sinusubukan pa ring humabol ni Aia sa pinakamalapit sa kanyang racer mga 5 dipa ang layo nito sa kanya. Agad syang nakaisip ng mga motocross technique nya.

Ang Freestyle motocross hindi ito nagfufucos sa racing ito ay isang uri ng acrobatic stunts, sa madaling sabi para kang lumipad "the superman style". Akala mo hanep na ano? Pero wala itong naitulong nito kay Aia palpak ang technique na ito nasa hulihan pa din si Aia. (hahaha may ipapasok kasi akong eksena).

"Ay lintik na technique yun wag na nga masubukan, mabuti ka yung kagibunshin technique ni Naruto." Sabi ng utak ni Aia.

Aherm...aherm...

Biglang naalala ni Aia ang mga paghihirap at sinabi ni General "diba gusto mong hangaan at tingalain ng lahat?yung walang iiwan sayo!"

"tama sya walang manghihinayang kung ano man ang mangyari sa akin, kaya hindi din ako dapat manghinayang sa buhay nila. Wala akong paki-alam sa kanila." Matapang na sabi ni Aia sa sarili.

Humigpit ang hawak nya brake, ang mga mata nya ay nag-aalab, para itong tigre na handing manakmal. Nang maabotan ang isang racer ay bahagya nyang binangga ang motor nito, binangga...binangga...hanggang sa malawan ito ng control sa motor at natumba, kunuha nya ang oppurtunidad na iyon at inunahan ito...

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now