Prologue

3.7K 61 12
                                        

Sean's POV

"Maaari na kayong bumalik sa inyong mga tent, bukas nalang natin itutuloy ang susunod nating activity. Tandaan na bawal lumabas sa tent habang wala kaming sinasabi, ayaw niyo namang mawala o maligaw diba?" Tapos umalis na si Maam Kyla at sumama na sa iba pang mga teacher.

Nilibot ko ang paningin ko at hinanap sila Hans at Cobie. Nasa'n na ba yung mga 'yon? Kanina ko pa hinahanap hindi ko makita, nababadtrip na ko.

"Sean!" Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Yung dalawang bugok tumatakbo papalapit sa'kin at parang hingal na hingal sila, kanina pa ba sila tumatakbo?

Pagkalapit nila sa'kin ay binigyan ko agad sila ng tig-isang batok. "Mga bwiset kayo kanina ko pa kayo hinahanap, sa'n ba kayo nagpunta at hindi ko kayo mahagilap?" Tanong ko sa kanila.

Nagpunas muna ng pawis si Hans bago magsalita. "M-may nakita kaming---"

"Bakit nasa labas pa kayo?" Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang magsalita si Maam Kyla. "Pumasok na kayo sa tent niyo at siguradong magagalit si Chairman kapag nalaman niyang nay sumusuway sa mga utos niya" tumango kaming tatlo at saka mabilis na naglakad papunta sa tent namin. Iniwan kong bukas ang zipper ng tent dahil ang init init.

"Ano yung nakita niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa at saka ako nginisihan.

"Wala 'yon" sabi ni Hans habang umiiling. Nilingon ko naman si Cobie. Tiningnan niya si Hans at saka tumango.

"Nakakita lang kami ng paniki, yun lang" tapos nagtinginan na naman silang dalawa. Bwisit na 'yan ano ba kasi yung nakita nila?

Humiga na silang dalawa at parang matutulog na, buti pa sila may ganang matulog samantalang ako parang ayaw dalawin ng antok. Badtrip. Dapat talaga hindi na 'ko sasama dito sa camping na 'to eh, kung hindi lang ako pinilit nung dalawang loko. Pero kung hindi ako sumama dito uutusan lang ako sa bahay, kaya ayos na rin.

Humiga ako at saka pinilit na matulog pero hindi talaga ako inaantok. Lumabas ako sa tent at saka ko inilibot ang paningin ko. Parang wala namang bantay sa labas. Ang tahimik. Ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko habang puro huni lang ng kung ano ang naririnig ko. Idagdag mo pa na ang dilim dito.

"Hoy Sean" nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Cobie. Akala ko tulog na sila. "Ba ka may makakita sa'yo jan sa labas mapagalitan pa tayo" sabi niya kaya naman pumasok na ako sa tent. Nagtaka ako ng bigla niyang isarado ang tent.

"Ang init kaya" balak ko sanang buksan 'yun ulit pero pinigilan niya 'ko. Anong problema nito?

"Sasabihin na namin ni Hans yung nakita namin" tapos bumangon na rin si Hans mula sa pagkakahiga. Mga buset akala ko tulog na sila.

"Kaya lang baka matakot ka pagsinabi namin" sabi ni Hans habang nakangisi.

"Ako?" Tumango naman siya. "Ako matatakot? Tsk, mas matapang pa nga ako sa inyong dalawa eh" agad naman silang napasibangot dahil don.

"Sabi ko nga hindi ko na sasabihin" balak sana niyang bumalik sa pagkakahiga kaya lang pinigilan ko siya.

"Para kang tanga eh noh? Hans naman, kayo ang pumilit sa'kin na sumama sa camping"

"So?" Pinanliitan niya ko ng mata.

"Anong so? Sabihin mo na sa'kin dahil na babadtrip ako sa camping na 'to" tumingin silang dalawa sa'kin nang nakangisi.

"Habang naglalakad kasi kami kanina may nakita kaming..."

"Sasabihin mo ba o sasabihin mo?" Agad namang tumawa si Hans pero agad din siyang napatahimik dahil baka may makarinig sa kaniya. Baka mapagalitan na naman kami.

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now