A

238 32 20
                                    

Dumating ang araw na nasettle na ang date at lugar para sa susunod na IKDAT ng MRN Organization. Nakapagfile na ako ng leave ahead of time at na approve na iyon ni Miss Xin. Makakasama ako sa tour ng organisasyon nila na aabot ng isang buwan, at sa iba't-ibang lugar pa iyon. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ata ako nakaramdaman ng matinding excitement dahil makakatulong ako sa ibang tao sa mapapagitan nang pagbibigay ng impormasyon. At ang lahat ng iyon ay dahil kay Alvin.

Napangiti siya nang makita ang maleta na dala-dala ko habang pabalas ng bahay namin.

"Mabuti't pumayag ang parents mo." nakangiti niyang saad.

"Muntikan ng hindi dahil akala nila ay itatanan mo ako."

"Hatalang hindi ako pag-iisipan ng masama ni Tita pero si Tito ay sobrang talim kung makatingin."

Natawa ako at napailing-iling na lang. "Parang di ka naman pabalik-balik dito."

Natawa siya at hinawakan ang kamay ko. Ang kanang kamay naman niya ay ginamit niya para haplusin ang aking pisngi. Napapikit siya at pinaglapat ang mga noo naming dalawa.

"I love you, Vina." sabi niya.

"I love you too." puno ng emosyon kong sagot. "Kung 'wag na lang sana akong sumama sa kanila at samahan na lang kita sa pagpapagamot mo?"

"No need, kaya ko naman. Mas marami kang matutulungan kung sasama ka kina Alex."

"Pero paano ka?"

"Kaya ko ang sarili ko."

"Dialysis lang naman, sanay na akong gawin ito." Tila walang pag-aalala niyang sabi. "My body's used to this. Ito ang ginagawa ko sa nakalipas na dalawang taon."

"You should do well on your dialysis then, Alvin. And diet mo 'wag mong kakalimutan. You got to follow your new lifestyle as well." sabi ko. "Please, wag matigas ang ulo ha."

"Sure, love."

"I love you so much..." Nanunubig na ang mga mata ko nang muli ko iyong sabihin.

Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa mga labi.

"Tayo na, baka hindi ka pa makaalis." sabi niya at bahagyang natawa.

Pumasok kami sa sasakyan niya at inihatid ako sa bahay ni Alex kung saan hihintayin ang iba bago sabay-sabay na papanhik. Oras pa ang hintay nang nakompleto na ang lahat at nagpasya na kaming umalis.

Napalunok ako at huminga nang malalim. Ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko habang sakay ng van papalayo kay Alvin.

---

Nagpatuloy ang advocacy ng organization nila na makatulong at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga sakit sa bato. Sa bawat araw na lumilipas ay nakikita namin ang naaabot at nagagawa ng organisasyon nila. At hindi ko mapigilang hindi maluha habang nakikita ang mga iyon. Palagi kong tinatawagan si Alvin. He would tell me what happened during his dialysis sessions. Mag-uusap kami hanggang sa mauuwi na maiiyak na naman ako. Hindi ko alam pero sigurado akong nahihirapan na siya pero pinipili niya lang na magpakatatag.

And I admire him for always being so strong. Kahit minsan ay pinanghihinaan na siya ng loob ay hindi pa rin siya sumusuko.

He even told me that a kidney disease would never bring him down. He wouldn't dare give it a chance to bring him down.

Tragically Ecstatic (Completed)Where stories live. Discover now