G

314 28 42
                                    

Inabot ng half-day ang naging symposium nila Alvin at pagkatapos nun ay sabay na naglunch ang lahat ng mga ka-team niya sa isang restaurant. He introduced me as his friend. And again, they all welcome me with arms wide open.

Nakausap at nakatawanan ko pa ang mga ibang kasamahan niya. Natatawa akong tumango-tango nang magbiro ang isa sa kanila na si Alex, lalaki ang tindig nito ngunit kung titingnan mo ay iba siya kung kumilos. Nakausap ko siya kanina at nang maarte niya akong hinampas sa braso habang tumatawa ay roon ko napagtanto na tama ang hinala ko. He seems so nice though. Kaya wala akong problema sa kanya lalo na sa gender preference niya.

Nagpatuloy ang usapan namin habang nagpapatuloy rin ang lahat sa pagkain. Tiningnan ko si Alvin na nasa tabi ko na abala rin sa pagkain. Napangiti ako nang maalala kung gaano siya kasaya kanina dahil naging successful ang ginanap na symposium. Magpapatuloy ang Intensive Kidney Disease Awareness Tour sa susunod na buwan dahil iyon ang nasa schedule nila. Masaya naman akong naging parte ako nito kahit saglit lang. Higit sa lahat ay masaya rin ako dahil nakilala ko ang mga taong katulad nila na may puso na talagang gustong tumulong.

Ang akala ko ay aabot pa ng ilang oras ang mangyayaring pag-uusap ngunit hindi na dahil isa-isa nang nagsi-alisan ang lahat. Unang nagpaalam ang pamilya Flores. Sumunod naman iyong dalawang teenagers na tinawag akong ate at sinabing bagay raw kami ng kuya Alvin nila. Natawa na lang ako at tinanong kung kapatid niya ba ang mga iyon pero sabi niya ay hindi raw. Sadyang napalapit na lang talaga sila sa isa't-isa nang mapabilang rin sila sa organisasyon na ang founder ay lola ni Alvin.

Pati si Alex na sinabing 'Alexa' na lang daw ang tawag ko sa kanya ay nagpaalam na. Tumango naman kami ni Alvin. Ngunit bago siya umalis ay bumaling pa muna siya sa akin at sinabing aasahan niya ako sa susunod na buwan para sa pagpapatuloy ng tour nila. Sa pagkakaalam ko ay sa Visayas na naman sila pupunta.

Nagpaalam na rin ang iba pang kasamahan ni Alvin hanggang sa kaming dalawa na lang ang naiwan.

"Hanep, tayong dalawa na lang ang naiwan," saad ko at bumaling sa kanya.

"Ayos lang, mas malala pa nga noon. Ako lang mag-isa ang naiiwan," sabi niya. "Pero ngayon ay may kasama na ako."

"Aba't inimpluwensyahan mo ako para may kasama ka sa mga panahong ganito ano?"

Natawa siya sa naging turan ko.

"No, when I met you I felt that you have the heart to help people." Seryoso niyang sabi. "Kaya ayon, sinubukan kong imbitahan ka. And guess I was right because you did accept my invitation. Maraming salamat."

"Ay, walang kaso 'yun. Masaya naman ako dahil nakatulong at may mga naging bagong kaibigan ako dahil dito."

Tumango siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba na ang mga miyembro ng organisasyon na ito ay may mga sakit sa kidney. O kung hindi man ay isa sa pamilya nila ay nakikipaglaban sa sakit sa bato." Tinitigan niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang ilan ay nag-u-undergo ng dialysis habang ang iba ay successful ang naging transplant ng panibagong kidney sa kanila. They wanna help those people like them and to spread awareness about kidney disease."

Tumango-tango ako. Ngunit hindi na napigilan ang sariling hindi magtanong. "E ikaw, anong dahilan mo para gawin ang mga 'to? At bakit kadalasan ay facts lang ang mga sinasabi mo? Like what is something, it's function and all. But you never got to share something from your life. Your own experience perhaps?" Seryoso kong tanong sa kanya. But instead of getting an answer from him, I saw his lips formed into a thin line.

"Sige 'wag mo na lang sagutin ang tanong ko," bigo kong saad.

Tragically Ecstatic (Completed)Where stories live. Discover now