T

733 36 28
                                    

"Your battle may be tough but I tell you, it'll be worth it in the end."

Umaalingaw-ngaw sa buong paligid ang malamig na boses ng isang lalaki habang ako ay naglalakad palabas ng bahay namin. Malakas iyon ngunit himalang hindi masakit sa tenga kung pakinggan. Halatang maganda ang microphone na ginagamit dahil maganda ang quality ng boses na naririnig ko ngayon. Modulated iyon na parang boses ng isang anchor na madalas kong pakinggan sa radyo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at inayos ang pagkakahawak sa folder na dala-dala ko kung saan nakalagay ang mga importanteng dokumento ng pinagtratrabuhan kong kompanya. Medyo hindi pa naman ako late at makakahabol pa ako sa mismong time ng duty ko kaya naman ay mahinahon lang akong naglalakad.

Ngunit hindi ko talaga alam kung ano'ng meron sa boses na iyon at talagang nakakatawag ng pansin. Kaya naman ay napabaling ako sa kasalukuyang nagaganap sa basketball court ng barangay namin.

Ilang sandali lang ay nakikita ko na ang sarili ko na nakikisiksikan sa mga tao na naroon.

"Excuse me," saad ko at nakisingit na. Tiniis ko ang mga panunulak ng mga ka-barangay ko para lang makapunta ako sa harapan. Nang nagawa ko iyon ay napabuntong-hininga ako. Sa wakas!

Umayos ako ng tayo sabay inayos ang medyo nagulo kong buhok. At laking gulat ko nang pagbaling ako sa harapan ay naaninag ang isang lalaking may malaking ngiti habang nagsasalita. Kita ang isang dimple niya sa kaliwang pisngi habang pinapasadahan ng tingin ang lahat ng naroon.

Napaawang ang bibig ko at literal na natulala habang tinitignan siya.

Goodness, gracious... Ba't ang gwapo ng lalaking 'to?

"Do you guys here take care of your kidneys?"

Nabigla ang lahat nang humakbang siya palapit sa crowd at lumapit sa mga taong nanonood nang ginaganap nilang symposium tungkol sa pangangalaga ng katawan lalong-lalo na sa bato.

There's a big tarpaulin with an image of a human kidney and a quote that says. 'Be aware, don't let your kidneys be impaired.'

Sa bandang dulo ng stage ay naroon naka-upo ang mga kasamahan ata ng speaker dahil pareho sila ng t-shirt na suot.

"Yes, madam... Do you take care of your kidneys?" Napakurap-kurap ako nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Ang microphone na hawak-hawak kanina ay nakatapat na sa mga labi ko.  Ngunit hindi ako makapag-focus doon. Tila ay mas naging gwapo siya ngayon sa malapitan at gusto ko na lang mapamura habang nakatitig sa kanya ngayon.

"Um... y-yes... I-I think so," nau-utal kong sagot.

Nakita kong tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. Napa-tsk siya sabay hila sa mga kamay ko. "What's your name, madame?"

"Vina Trace Gonzaga," sagot ko naman.

"Yes, Madam Vina, may I invite you here on stage?"

Napalunok ako at napabaling-baling sa paligid. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makitang nakatingin na sa akin ang mga tao. At nang muli kong nilingon ang gwapong speaker ay nakita ko siyang naghihintay sa magiging sagot ko.

Huminga ako ng malalim, tumango at humakbang na kasama siya papunta sa mini stage na nakaset-up sa basketball court ng barangay namin.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa natutulong ng kidney sa ating katawan. He even mentioned researches about that. Ako naman ay hindi na alam kung bakit ako nakatayo pa roon.

"Our kidneys are responsible of maintaining our body's overall fluid balance. Sila rin ang nagfifilter ng mga minerales mula sa dugo natin. Bukod doon ay sila rin ang nag-aalis ng dumi galing sa ating pagkain maging sa mga toxic substances sa ating katawan. Our kidneys also creates hormones that help produce red blood cells, promote bone health, and regulate blood pressure," tumatango-tango niyang saad. "Our kidneys, just like our other organs in our body affect our health as a whole. Therefore, as the chief commander of our body, what should we do to protect our health?" tanong niya at bumaling sa akin.

Hindi ko talaga alam kong bakit ako natutulala sa tuwing kaharap ko siya.

"Should we take care of our kidneys then, madame?"

Mabilis akong kumurap-kurap. "Y-yes, of course. W-we should take care of our kidneys." saad ko at ngumiti nang sa wakas ay nagawa ko nang makapagsalita.

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ngunit nang mahagip ko ng tingin ang gwapong speaker na katabi ko ngayon ay agad akong nakaramdaman ng hiya at ilang.

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon at tinitigan ako. Tumitig din ako sa kanya pabalik. Ngunit hindi ko mapigilang hindi magtanong sa sarili ko kung kailan niya ako planong pababain ng stage. Dahil sigurado akong late na ako sa trabaho ko ngayon.

Tragically Ecstatic (Completed)Where stories live. Discover now