I

303 25 47
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo simula noong huli kaming nagkita ni Alvin. Matagal-tagal na nga iyon pero bakit hindi ko pa rin makalimutan ang hindi niya pagsagot sa tanong ko? Big deal ba iyon para sa kanya?

Pero sa loob din ng ilang linggong iyon ay naging madalas ang pag-uusap namin sa social media sites. Ang alam ko ay busy siya pero himala na sobrang bilis niya kung mag-reply sa kung ano-ano'ng mga pinag-uusapan naming dalawa. At hanggang ngayon ay hindi ko inakala na talagang magkakasundo kami.

Huminga ako nang malalim pagkatapos ay ngumiti at nagpaalam kay Manong Nic na siyang chief ng security team ng kompanya.

"Uuwi na po kayo, ma'am?"

"Ah, yes, manong."

"Sige po mag-iingat po kayo." sabi naman niya. May kung anong sinisilip siya sa labas kaya naman ay napakunot ang noo ko.

"May problema po ba, Manong?"

Umiling-iling si Manong Nic ngunit hindi inalis ang tingin sa isang maroon na sasakyan sa labas.

"Medyo kakaiba lang po iyang maroon na sasakyan sa labas ma'am. Isang linggo na rin namin iyang nakikita sa labas. Hindi naman namin alam kung nagmamasid ba o may hihintay ang taong may-ari n'yan."

Nanliit ang mga mata ko sa tinutukoy ni manong. Assumera na kung assumera pero baka nga naman ay tama ang iniisip ko. Isang linggo na raw pabalik-balik ang sasakyan na iyan. Hmm... Ano'ng kailangan mo sa akin, Alvin?

"Bakit hindi po natin alamin, manong?" tanong ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas.

Tumawid ako sa kabilang parte ng kaldasa kung saan nakaparada ang kotse. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit doon ay nakita ko na'ng paglabas ng driver nito. Sinalubong ako ni Alvin habang may malaking ngiti. May suot pa siyang wayfarers na halatang mas nakadagdag sa karisma niya.

Tumawa ako para maitago ang pagkamangha at saya nang makita siya ngayon.

"Been really busy last week." sabi niya. "Pero ikaw naman ang naging busy ngayong linggong ito."

"Isang linggo ka na raw pabalik-balik dito?"

"Yup, but I failed to catch a single glance of you." sagot niya. "You look good on your corporate attire, Vina."

Natawa ako ngunit hindi na napigilan ang puso ko na maghuramentado.

"Aba't 'di ka naman ata bolero nung huli tayong nagkita ah?"

"Nahihiya pa ako nun." saad niya.

"Ay talaga?" Hindi ko talaga mapigilang hindi matawa. Siguro ay dahil kinikilig ako at iyon lang ang paraan para hindi niya iyon mahalata.

"Hindi ko inakalang pupuntahan mo ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ko."

Ngumiti siya. "Maski ako ay hindi ko inakalang gagawin ko 'to. Sapat na siguro ang dalawang linggo para mag-ipon ng lakas ng loob."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit hindi na ako nakapagsalita. Binuksan niya na kasi ang passenger's seat ng kanyang sasakyan. Inanyayahan niya akong pumasok sa loob nito. Nilingon ko muna si Manong Nic na nakamasid lang sa aming dalawa ni Alvin. Nagthumbs-up ako at agad naman niyang naintindihan iyon. Mabuti at alam na naming hindi kriminal ano man ang may-ari ng sasakyan na ito.

Isinara ni Alvin ang pinto nang nakapasok na ako. Mabilis siyang umikot para na rin pumasok sa driver's seat.

"So, may fix date na ba para sa susunod na symposium ng IKDAT (Intensive Kidney Disease Awareness Tour) ng MRN Organization?"

Bakas ang pagkamangha sa mga mata ni Alvin nang nilingon niya ako.

"Paano mo nalaman ang pangalan ng organization namin?"

Tragically Ecstatic (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora