[ O N E ]-Melody Mendoza

21.3K 211 8
                                    

Chapter 1

Nagising ako nang makaramdam ako ng pananakit ng sikmura na para bang pinipilipit eto at nasusuka na rin ako. Napabangon ako at napatakbo sa maliit na banyo ng kwarto.

Napasuka ako kahit wala pang laman ang tiyan ko. Nahihilo na rin ako kaya ng matapos ako sa pagsusuka ay napaupo na lang ako sa tabi para pakalmahin ang sarili ko.

Napahawak ako sa sinapupunan ko at tumulo lang ang luha ko.

Resulta ng kagagahan ko.

Resulta kung gaano ka fucked up ang buhay ko.

Pero kahit anong isipin ko, kung ano ano ang mga senaryo na iniisip ko para hindi lang madamay ang batang eto sa kamalasan ng buhay ko ay hindi ko kayang magawa na ipagkait sa kanya ang buhay.

Kahit ang kaligtasan ang buhay niya na lang ang kaya kong maibigay sa kanya.

Naramdaman ko ang biglaan niyang paggalaw at napangiti ako. Para bang pinapaalala niya lang sa akin na nandiyan lang siya at hindi ako nag-iisa.

Malas mo lang na ako ang magiging Ina mo.

Nasa pang apat na buwan na ako at nagiging active na ang bata sa loob ng tiyan ko.

Tatlong buwan na rin simula ng umalis ako sa lugar namin.

Three months ago...

Habang nagwiwithdraw ako sa pinakamalapit na ATM ay hindi ko na inalala na hindi ko pala nalock ang sasakyan na dinala ko.

Paglingon ko sa lugar na pinagiwanan ko ay nagulat ako nang wala na ang puting Picanto!

Kung minamalas ka pa talaga.

Hawak hawak ko ang isang daang libong piso na ipon ko mula sa allowance na binibigay ng parent—parents ni Kuya Chor—pero he's my father? Pero paano ang itinuring kong parents? They are my grandparents? Ah! Hindi ko na alam. Sumasakit na rin ang ulo ko idagdag mo pa na nasusuka na rin ako dahil sa init.

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko at pag-open ko ay naglalahad ang masayang pamilya namin noon. Sila Mama at Papa, Kuya Chord, Ako, Lyric at String.

Ano ba ang nangyari para sa isang iglap ay maglaho ang parang napakaperpekto kong buhay?

Ibinagsak ko iyon sa lupa at tinapakan ng makailang ulit hanggang sa tuluyang madurog ang screen nito.

Agad akong pumara ng taxi para sumakay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko lang na kung hindi ako makakalayo sa lugar na eto ay mababaliw ako dahil sa mga pwedeng mangyari.

"Saan ka po, Ma'am?" nakita ko na bata pa ang driver. Maybe not younger than me? May itsura rin eto pero hindi ko na iyon pinansin sa halip ay agad ko siyang tinanong.

"May alam ka pong pagawaan ng pekeng ID?"

Nakita ko na nagulat ang driver sa tingin ko at napataas ang kilay.

"P-Po? Teka, bumaba na po kayo ng sasa—" nagulat ako ng bigla niya akong tinalikuran at akmang bababa na sana ng taxi niya nang agad akong napahawak sa braso niya para pigilan siya at napalingon siyang nakataas ang kilay sa akin.

"No! Kailangan ko lang umalis. Kailangan ko lang gawin eto. Nagmamakaawa ako, Kuya, Manong. Please. Just help me once on this and I promise I will owe everything to you."pagmamakaawa ko sa kanya at nakita ko na napakagat siya ng labi at mahigpit na napapikit ng mga mata.

Napailing siya at binawi ang braso niya. "Please. Nagmamakaawa ako sa'yo. I'm not criminal or something—tiyak na hahanapin lang ako ng pamilya ko at hindi pa rin ako makakatakas sa mga kamay ni—"

The Fore-Player (Nerd's Bedmate Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now