Chapter 4

330 11 2
                                    

     Hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung anong maramdaman ko. Ayoko siyang husgahan pero kung anu-anong tumatakbo sa isip ko.

Nakatanaw lang ako sa kanyang likuran habang papalayo siya sa akin. Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba siya. Gusto kong malaman ang lahat pero ayokong masaktan siya dahil sigurado akong ipapaalala lang nun ang lahat nang sakit ng naranasan niya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko hanggang sa tuluyan na kong napaluhod dahil sa paglulumo.

Wala pa kaming nauumpisahan pero parang nandito na kami sa katapusan. Katapusan na nga ba ito ng aming ugnayan?

Kung anong bigat nang nararamdaman ko kanina at siya namang gaan ng aking katawan nang makita ko siyang biglang natumba.

Halos magkandarapa ako papunta sa kinaroroonan niya.

Nawalan siya ng malay.

Tinulungan naman ako ng mga taong nakakita sa amin at agad siyang dinala sa pinakamalapit na kwarto sa clinic na ito.

Hindi ako mapakali ng mga oras na iyon parang hindi naandar ang orasan sa sobrang bagal ng paggalaw nito.

"Carlos, gising... carlos..." halos hindi maubos ubos ang luhang kanina pa pumapatak sa pisngi ko.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko sa lalaking na tumingin sa kanya na isa palang doktor at isa rin Volunteer na si Kuya Franco.

"Nawalan lamang siya ng malay marahil sa sobrang pagod. Huwag ka nang masyadong mag-alala," tinapik pa ako nito sa balikat.

Agad akong naupo sa gilid ng kama ni Carlos at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya, "Carlos, andito lang ako... huwag kang mawawala huh? H-hindi ko k-kaya..." halos mapahagulgol na ko sa kaiiyak.

Napatingin ako sa lalaking kadarating lang ngayon, nakayuko siya at nakatukod pa ang kamay niya sa tuhod niya sa sobrang paghingal niya. "Sabi ko na kasing m-magpahinga n-nalang e. A-ang kulit!" Napatingala ito sa akin at tila nagulat nang nakilala ako. "M-marco? A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Lumapit agad ito sa walang malay na si Carlos sabay tingin niya sa'kin. "Kilala mo siya?"

Nagpunas muna ako ng luha bago tumayo, "oo." Matipid kong sagot.

Hindi pa ako makatingin sa kanya ng maayus dahil naalala ko na isa nga pala siya sa mga ginulpi namin ng mga tropa ko nung high school kame.

Hinawakan niya sa noo si Carlos, nakita ko ang pag aalalang rumihistro sa mukha ni Santi na sobrang ikinabahala ko kaya hinipo ko rin ang noo niya. Kaya pala ang init niya nung niyakap ko siya.

"Shit! Hindi bumababa ang lagnat niya!" Bulong ni Santi.

"Bakit? Kailan paba 'to?" Asar na sabi ko.

"Dalawang linggo na..."

"Ano?! Dalawang linggo?! Wala man lang kayong ginagawa?!!" Bubuhatin ko na sana si Carlos. "Dadalhin ko siya sa ospital." Saad ko pero pinigilan ako ni Santi.

"Mas maaalagaan siya dito at isa pa, kabilin bilinan niyang 'wag siyang dadalhin sa ospital."

Napatingin ako ng masama kay Santi. "Putang ina! Maaalagaan? Hindi mo ba nakikita yung itsura niya Santi?!"

"Marahil nararamdaman niya nang humihina ang pangangatawan niya," napayuko si Santi at humikbi, umiiyak siya? B-bakit? Nalilitong tanong ko sa isip.

"natatakot ako... baka... hindi na siya a-abutin ng isang buwan."

Agad nagpantig ang tenga ko at kumirot ang dibdib ko, kasabay ng pag agos ng luha ko dahil sa sinabi niya. Walang kaapog apog ko siyang sinuntok sa sobrang galit ko, gusto ko pa sanang pasabugin ang mukha niya pero agad akong naawat ng mga kasamahan nila. "Tang ina Santi! Anong karapatan mong taningan si Carlos?! Diyos kaba? DIYOS KABA?!! P-putang ina! Diyos kaba... h-hindi mo alam kung gaano kasakit yung nararamdaman ko, h-hindi mo a-alam na p-para mo narin akong pinatay sa sinabi mo."

Ala siete y mediaOnde histórias criam vida. Descubra agora