X

1.1K 30 0
                                    

Tipikal na estudyante lamang si Marco Suarez; takaw gulo, bisyo at sigarilyo. Masaya naman siya sa buhay niyang ito simula nang bumukod siya sa tiyahin niyang hindi naman talaga siya inaalagaan kundi pinagkaperahan — simula ng magtrabaho ang parents niya sa ibang bansa noong pitong taong gulang siya at hindi na siya binalikan at parang pusang naiwan pero, nagpapasalamat parin siya dahil sa edad na 21 ay natuto siyang mabuhay mag-isa, salamat sa buwanang padala ng magulang niya at may panggastos at pambayad siya sa eskwelahan at renta ng apartment na tinutuluyan niya.

Akala niya noon, kaya niya nang mag isa pero nang gabing iyon, ipinagpasalamat niya dahil may nagligtas sa kanya sa kanyang pagkakabugbog na siya palang magiging dahilan ng malaking pagbabago sa nakasanayang niyang buhay.

Ala siete y mediaWhere stories live. Discover now