CHAPTER IV - Paghahanda

7 1 0
                                    

Time Check: 5:45 pm

Nakita ko si Zoren na nakaupo mag-isa sa likod ng palasyo at umiinom ng juice sa lata habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Kaya naman pinuntahan ko siya doon.

"Akala ko po, umuwi ka na." sabi ko at umupo sa tabi niya

Napatingin siya sa'kin at inubos ang juice na iniinom niya.

"Hindi pa. Dapat nagpapahinga ka na ngayon, bukas na ng umaga yung alis mo."

Tiningnan ko ang paglubog ng araw.

"Ayos lang po, atsaka mas gusto ko pong makausap muna kayo bago po ako umalis bukas."

"Nakapagpaalam ka na ba sa mga kakilala mo?" tanong niya

"Opo, nakapagpaalam na po ako sa nagpalaki sa'kin, kay Manang Layda at Aling Rosa. Kay Kuya Liam at Logan nalang po ako hindi nakakapagpaalam atsaka sa inyo."

"Hindi mo na kailangang magpaalam sa'kin. Atsaka, kasama mo akong magpapalipas ng gabi mamaya sa palasyo. Tutulungan pa kitang maghanda para bukas."

Napatingin ako sa kaniya habang pinapanood niya ang paglubog ng araw.

"Salamat po pala, Zoren."

Itinuon ko na ulit ang atensiyon ko sa paglubog ng araw habang dinadama ang hangin kapag hapon.

"Wala yun, basta siguraduhin mo lang na maibabalik mo ang nabubuhay na Canlas dito."

Namagitan sa'min ng ilang minuto ang katahimikan.

"Talaga po bang... isa nalang yung nabubuhay sa angkan ng mga Canlas ngayon?"

Napatingin ako sa kaniya, napaisip tuloy ako sa tinanong ko.

"Siguro. Hindi ko alam. Walang nakakaalam kung ilan pa yung nabubuhay sa kanila. Kaya kailangan mo silang hanapin."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Paano po pala kung... Wala nang nabubuhay sa kanila?" tanong ko

" ... Meron pa 'yan, pero tsaka lang natin 'yan malalaman kapag umalis ka na para hanapin sila."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost Royal MajestiesWhere stories live. Discover now