CHAPTER III - Paligsahan

4 0 0
                                    

"Huwag kang aalis sa tabi ko, baka paalisin ka nila kapag nakita nilang hindi ka taga dito sa palasyo,mahigpit pa naman ang seguridad nila lalo't na paligsahan pa naman ngayon." utos ni Zoren

"Sige po."

Inayos ko na ang sarili ko at ang panang gagamitin ko sa paligsahan.

Grabe kinakabahan talaga ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng napakabigat na responsibilidad. Hays.

PERO SIGE, BAHALA NA.

Sinundan ko na si Zoren papunta sa harap ng palasyo kung saan gaganapin ang paligsahan at okasyon sa bayan.

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

"Handa ka na?" tanong ni Zoren

HINDI PA PO. JOKE.

"Kakayanin po."

Tinapik niya ako sa balikat ko at ngumisi.

"Kailangan mong kayanin."

"MAGANDANG UMAGA MGA KABABAYAN! Limang minuto nalang at magsisimula na ang paligsahan! Handa na ba kayo? Sino kaya ang mapipiling HULING tagahanap ng lahi ng mga Canlas? Sino-sino kaya ang mga sundalong paparangalan? Iyan ang ating aabangan, sa paglipas ng limang minuto." masiglang bati ng tagapagsalita sa okasyon

Limang minuto nalang...

Naalala ko ang mga sinabi sa'kin kagabi ni Zoren habang sinasanay niya ako para sa paligsahan...

"Ito na ang huling paligsahang magaganap para sa huling pipiliing tagahanap ng mga Canlas. Kaya asahan mong mas mahirap ang paligsahan ngayon kaysa noon."

"Bakit po pala, huling tagahanap na ang pipiliin?" tanong ko at pumana nang sapul sa gitna gamit ang pana

"Dahil ito na ang ika-20 na taon, Lucas. Ika-20 na taong naghahanap ang bayan natin ng lahi nilang makakapagbalik ng dating sigla at kapayapaan ng bayan natin. Ito na ang huli dahil 25 na taon na natin silang hinahanap, at kung mabibigo pa rin tayong mahanap sila, aakalain ng marami na patay na ang buong angkan nila." paliwanag niya

The Lost Royal MajestiesWhere stories live. Discover now