CHAPTER I - Pagkakamali

20 0 0
                                    

*BLAG!*

"Good Morning, Manang Layda!"

Napalingon kaagad siya sa'kin habang nakahawak sa dibdib niya.

"Hay, ano ka ba naman Lucas! Lagi mo nalang akong ginugulat."

"Pasensya na ho, dala ko na nga po pala yung mga bulaklak na pinapadala niyo ho sa'kin."

At ibinigay ko ang dalawang basket ng mga bulaklak na pinapakuha sa'kin.

"O sige, salamat iho. Paniguradong, malaki-laki ang kikitain natin ngayon sa mga bulaklak." sabi ni Manang Layda at ngumiti

Napalingon ako sa paligid ko. Halos lahat ng mga tao ngayon, masyadong abala para sa gaganaping okasyon dito sa bayan. Bukas na gaganapin yung mga importanteng okasyon sa bayan, yung pagpili ng bagong tagahanap at pagpaparangal sa mga matatapang na sundalo.

Marami nang mga banderitas ang nakasabit sa mga kalye, marami na ring nagbebenta ng mga prutas at bulaklak.

"Lucas! Ang aga mo naman, nandyan ka na pala?"

Napalingon ako sa taong bumati.

"Ah, opo Aling Rosa. Kailangan po eh, para marami pong kitain."

"Ang sipag naman talaga ng batang ito. May nobya ka na ba?"

"Ah, w-wala po."

"Ah, ganun ba? Alam mo gwapo ka naman, iho. Subukan mo lang mag-ayos."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Aling Rosa.

"Sige po, una na po ako. Salamat po, Aling Rosa at Manang Layda."

"O sige, balik ka nalang mamayang alas-dyis ng umaga." sabi ni Manang Layda

"Sige po."

Nadaanan ko ang plaza habang papunta sa taniman na kinukuhanan ko ng mga bulaklak. Medyo marami-rami na rin ang tao ngayon dito.

Taon-taon pinagdidiwang ang okasyon na 'to dito sa bayan. Kasabay ng pagdiriwang, binibigyan din ng mga tao ng prutas at bulaklak ang pamilya ng mahal na hari at reyna bilang pasasalamat sa maayos na pamumuno dito sa Antica, ang bayan namin. Kaya naman, malakas talaga ang kita namin sa mga bulaklak.

Bukas na gaganapin ng pagdiriwang. Iniisip ko kung sino yung pipiliing bagong tagahanap at kung sino yung mga paparangalan. Sana, kasama dun si Kuya.

"Iyang bata na yan, 'yang nakasuot ng short at brown na damit, Lucas daw pangalan niyan."

The Lost Royal MajestiesWhere stories live. Discover now