CHAPTER II - Pagpili

13 0 0
                                    

Tinignan ko ang lalaking nagpiyansa at nagsundo sa'kin sa prisinto na abala sa pag-drive ng kotse.

Kung hindi ako nagkakamali, mga nasa 40-43 years old na siya. Naka-all black siyang damit, na halata namang may kaya siya.

"Bakit niyo po ginagawa sa'kin 'to ni Chief?"

"Dahil kailangan, Lucas."

P-Pano niya nalaman yung pangalan ko?

Siguro sinabi lang sa kanya ni Chief.

Itinuon ko nalang ulit ang atensiyon ko sa kalsada at sa mga bahay na nadadaanan namin habang nakasakay kami sa kotse.

Hindi ko na talaga alam yung nangyayari kung bakit may nagpiyansa sa'kin. Hindi ko talaga alam kung anong balak ni Chief at nung kasama ko ngayon sa'kin. Hayss.

"Ilang taon ka na pala?" pagbasag niya sa katahimikan

"19 po."

Hanggang ngayon hindi ko man lang alam kung sino siya. Hindi naman siguro siya masamang tao.

"Pwede ko po bang malaman kung sino po kayo?"

Napatingin siya sakin at ipinunta kaagad ang tingin sa kalsada.

"Zoren ang pangalan ko."

...

"Pwede mo akong tanungin, pero kung tatanungin mo ako kung sino ako bukod sa pangalan ko, hindi kita sasagutin." sabi niya

Pakiramdam ko mas naging magulo ang lahat. Hindi ko man lang kilala kung sino yung kasama ko, hays.

"Sige po."

Maya-maya pa ay tumigil ang sinasakyan naming kotse sa harap ng isang bahay na malayo sa kinalakihan kong lugar.

"Nandito na tayo." sabi niya at pinatay ang makina ng sasakyan

Grabe, ang laki naman ng bahay na 'to kung siya lang yung nakatira.

Bumaba na kami sa sasakyan at napatingin ako sa paligid.

Umaabot sa 3rd floor yung bahay. Kulay puti yung pintura at ibang-iba sa mga kapitbahay. Este halos wala pala siyang kapitbahay.

"Sumunod ka sa'kin." sabi niya at pumasok sa loob ng bahay

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

Masayadong malawak yung bahay niya, kulay puti din ang loob, ganun din ang mga gamit sa bahay.

"Kamusta pala? Hindi na kita natanong kanina sa sasakyan."

Napatingin ako sa kaniya habang nakaupo kami sa upuan sa sala ng bahay niya.

"Ayos lang naman po."

"Mabuti kung ganoon." sabi niya at uminom ng tubig na nakalagay sa mesa sa gilid ng inuupuan niya

Tinignan ko siya na ngayon ay nakasandal sa upuan at nagpapahinga pagkatapos ang mahaba naming biyahe kanina.

The Lost Royal MajestiesOn viuen les histories. Descobreix ara