"Oh fuck! Anong nangyari—"


"Can you shut up Selene?! We need to clean this, you will help us if you don't want to die too." Seryosong sabi ni Devi habang nakatingin sa pinsan, napalingon din ako kay Selene na natahimik at napalunok tapos ay tumango.


Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto sa may kusina papunta sa likod bahay kung saan ay ginagawang garden ni nanay, dun siya nagtatanim ng mga halaman niya pati na mga gulay.


Kinuha ko yung pala na nakasandal sa pader ng bahay tapos ay nagsimulang maghukay sa lupa dun, hindi na nanginginig ang kamay ko. Wala na akong maramdaman na kahit na ano.


Matagal tagal na akong naghuhukay pero mababaw pa din iyon, pawis na pawis na din ang buong mukha at katawan ko. Ibinaon ko ang pala sa lupa tapos ay hinubad ko ang suot kong damit at hinagis iyon kung saan, kinuha ko ulit yung pala at sinimulan ulit maghukay.


Pinaghalong pawis, dugo at lupa ang nakakapit sa kamay at mga braso ko, hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin pero wala akong nararamdamang pagsisisi, bagay lang to kay papa.


Bigla akong nakaramdam ng panggigigil habang nagpapala, hinihingal na tumuwid ako ng tayo at napatingin sa hukay na ginawa ko. Napatingin pa ko sa paligid para siguraduhing walang tao.


Binitawan ko sa gilid yung pala at nagsimulang maglakad papasok sa kusina, napahinto ako ng makitang malinis na ang kusina, wala ng makikitang kahit patak ng dugo.


Hinanap ng paningin ko sila Devi at nakita ko silang pilit na binubuhol ang kumot na pinagbalutan nila kay papa.


Lumapit ako sa kanila at inagaw ang ginagawa nila, ramdam ko ang titig nila sa akin pero hindi ko sila nilingon. Hinigpitan ko ang pagkakabuhol ng kumot tapos ay sinimulan iyong hatakin palabas, dahil sa kapal ng kumot na nakabilot sa katawan nito ay hindi pa tumatagos ang dugo galing sa katawan niya.


Siguradong higit sa isang kumot ang ginamit nila Devi.


Nang makarating sa hukay na ginawa ko ay itinulak ko iyon dun, hinihingal na pinakatitigan ko ito sa loob ng hukay. Napalingon ako kay Devi at Selene na isa isang hinuhulog sa hukay ang mga kumot, basahan at mga telang may bahid ng dugo.


"Oh, I like bonfire. How bout you guys?" Napailing nalang ako sa sinabi ni Selene, kinuha ni Devi ang galon ng gasulina na nasa lapag tapos ay binuhos ito sa hukay.


"I think this will make a bad smell." Kibit balikat na sabi ni Devi tapos ay binuksan ang hawak na lighter, hinagis niya iyon sa hukay na agad nagliyab.


Napaatras kami dahin sa usok na nanggagaling dun, napatakip kami ng ilong dahil sa nakakasukang amoy na nanggagaling don.


Nakatitig lang ako sa apoy na sumusunog sa katawan ni papa, etong bahay na gusto mong ibenta ang naging libingan mong hayop ka.


Makalipas ang ilang oras ay humupa na ang apoy, kinuha ko agad ang pala at tinabunan ang hukay. Tumulong din si Devi at Selene sa paglalagay ng lupa sa hukay gamit lang ang mga kamay nila.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon