"Okay, we'll continue this meeting. Bahala ka na Mr. Alarcon for the details." I sighed in defeat. Inayos ko ang coat ko before storming out of the conference room. Inabot sakin ni Claire ang phone bago ako makapasok ng office. Niluwagan ko naman ang tie ko as I clutched my phone.
Whatever game Eleanor is playing right now, I'm not doing it with her. Ang pinakaayaw ko lang sa lahat ay yung may hindi matutuloy ang mga dapat kong gawin dahil sa distractions. Bakit ba kasi hindi ko nai-silent ang phone ko kanina?
Gago ka talaga, Chance. Diba inaantay mo din naman yung tawag niya?
Nagring uli ang phone kaya sinagot ko iyon. Kunot na kunot ang noo ko nung ilapit ko sa tenga ang phone ko.
"Eleanor Kai Gonzales!!!!" singhal ko.
"Ah shit ka! Ginulat mo ko! Wag mo nga akong sigawan! Nasa gitna ako ng crisis ngayon!" balik sigaw niya.
"Fuck that crisis. Alam mo bang nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting kanina?! Diba sinabi na sayo ng secretary ko ang tungkol dun!?"
"Damn it, Chance. Pwede bang magrelax ka muna?!" Para kaming tanga na nagsisigawan.
"How can I relax!" I was frustrated with myself. Parang kanina lang, inaantay ko siyang tumawag pero ngayon na tumawag na siya ay bad mood na ako dahil na-interrupt ang meeting. Mahalaga pa din naman sakin ang company dahil pinaghirapan yun ni Dad. Pero alam ko naman sa sarili ko na pinahahalagahan ko din si Eleanor.
Gaah, she's such a pain in the ass.
"Ano na naman ba kasi?" tanong ko, my voice was calmer this time. Kahit naman nakakainis si Eleanor, hindi ko magawang magalit ng sobra sa kanya. Eleanor is Eleanor. At kung emergency nga ito, baka kung anong gulo na naman ang pinasok niya.
"I'm here sa parking lot ng Universe." I made a face ng malamang malapit na naman siya sa isang bar.
"At anong ginagawa mo diyan? Don't tell me tinawagan mo lang ako para isama sa escapade mo?! Alam mo naman siguro na busy akong―"
"Screw you, Chance! Calm down for the love of God!! I'm stucked here. Ayaw magstart ng car ko kaya hindi ako makaalis." I can tell she's really worried.
"Bakit hindi ka na lang magbiyahe at ako pa ang inabala mo?!" I ran a hand through my hair.
"Wala kasing dumadaang taxi dito! Kahit jeep eh wala!" Reklamo niya.
"Anong gusto mong gawin ko? I'm a busy person, Eleanor. Nasabi ko naman sayo noon na hindi ako laging nasa tabi mo." I stated. Natahimik naman ang nasa kabilang linya.
I heard a sigh, "Fine. I'm sorry kung naabala pa kita. Gagawa na lang ako ng paraan. Go back to the meeting and don't worry about me. Makikihitch na lang ako ng ride sa makikita ko dito."
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...
