CH 4 - So bright~ So bright! My eyes are blinded!

231 12 0
                                    

Tinext ko agad si Diane, tinanong ko yung pangalan nung kamukha ni Kibum. Kailangan niyang mapicturan yun! Pero nahihiya daw siya eh. Makahiya talaga siya. Mana sakin. XD Sana naman nandun din kami ni Jing. Buti pa si Diane, napapaligiran ng mga Koreano ngayon. Katabi pa niya yung Kibum-look-alike! Mamamatay na ako sa inggit. Pero papakilala naman sigurado niya kami. Dapat lang! HAHA. Kailangang magtagpo ang landas namin nung kamukha ni Kibum. Excited na ako! YEEEEEEEE.

KINABUKASAN.

Etong si Diane, hindi yata mapakali sa bahay nila. Niyaya akong pumunta kina Jing. Kinwentuhan niya kami dun sa mga bagong Korean housemates niya. Di man halatang kinikilig! XD

Si Jing kinikilig din kahit di niya pa nakita yung mga Koreans na yun. Ako naman? Pasimple lang pero obvious na, bukang bibig ko si Kobe eh! Kung maka-KOBE naman! Close? Close? ABANGAN!

Kina Jing na kami naglunch tas pumunta ng club house. Tahimik kaming nagduduyan nang nag-ring ang cp ni Diane. Sino kayang kausap nito?

Diane: Uy girls!!!!!!!!!!!!! Dream come true!!!!!!! Tumawag si Kuya!

Jing: Yung Korean? Yung pinsan mo??

Diane: Alam niya kasing kasama ko kayo kaya pinapauwi niya tayo! Samin! *_*

Me: Woah!! Bakit daw?

Diane: Siyempre ipapakilala niya kayo sa mga Korean friends niya! Oh my gosh! Karla! Jing! YEEEE  <3

Nabigla ako sa sinabi ni Diane. Halos di ako makagalaw sa aking kinauupuan, eh etong si Jing nakakatawa, nanlaki pa yung mata. Ganun talaga pag usapang Koreano na. Simula nung maging Kpop addicts kami, ang big deal na para samin ang may makaclose na Korean. May makita lang kaming Koreans sa kung saan, hahabulin namin at pipicturan kahit di naman sila celebrity.

Me: Diane, ok lang ba mukha ko? Hindi ba oily?

Aber natawa ako sa sarili ko, parang makikipagdate ako kung makaayos sa pagmumukha eh. Ni hindi ko nga alam kung papansinin ako nung Kobe. Pero at least makikita ko siya. Parang nakita ko na rin si Kibum sa personal! Yey!

Jing: Maganda na tayo, no need. :D

Ang lakas ng self-confidence no? Pero habang papalapit na kami sa bahay ni Diane, kinabahan na ako. Gusto ko ng magback-out pero gusto ko talaga silang makita eh. Hay~ bahala na.

Malapit na kami sa may pintuan, at naririnig ko na yung mga boses nila. Lalo tuloy akong kinabahan. Pano pa kaya pag UKISS yung imimeet namin, baka sa may pinto pa lang magcollapse nako.

Huminga ako nang malalim nang biglang buksan ni Diane ang pinto. Pumasok na si Diane, pero parang naglue ang mga paa namin ni Jing sa aming kinatatayuan.

Jing: Papalapit na yung Kuya.. (pabulong)

Me: Nahihiya ako. Teka, parang kilala ko siya! Saan ko na nga ba siya nakita, pamilyar eh. (pabulong)

Pasimple akong tumingin sa Kuya ni Diane. Sure ako nagkita na kami dati nito.

Shyu: Dalaga na kayo ah. Wala ng kwintas sa leeg tas wala ng palid. (laugh)

LOL! Adik! Pinipigilan ko yung tawa ko pero parang di ko kakayanin. "...dalaga na kayo ah." Teka, CLOSE? CLOSE??

Jing: Naalala ko na Karla!

Me: Ano?

Jing: Siya si Shyu!!

Me: SHASHISHU? tongue twister ba yan?!

A Shared DreamWhere stories live. Discover now