CH 1 - Because We Share One Dream

499 16 5
                                    

Diane's POV

Weekend na naman, boring! Tapos na ang Periodical Test sa 4th Grading, tapos na ang prom, tapos na ang foundation sa school. Tapos na ang lahat pwera na lang ang graduation na aming pinakahihintay. Walang magawa, buti na lang may UKISS. :))

Sino nga ba sila? Well, sila LANG naman ang pinakamamahal kong Kpop group! (Ni-laLANG ko lang? XD). Sila sina Kibum na mukhang masunget, si Soohyun na power vocal, si Eli na mahilig sa redbull at may pagkachubby (PERO MAHAL KO YAN!!), si Kevin na maganda pa sakin, si Alexander na matakaw, si Kiseop na madalas tahimik. WALA NA. 

Ay nakalimutan ko ang aking boyfriend na si DONGHO!

3 weeks. Tama, 3 weeks na ang nakakalipas nung una kong nakita ang UKISS (siyempre sa TV lang naman). 3 weeks nang tumatalon, kinikilig at nababaliw sa kakapauod ng UKISS. Natatandaan ko pa nung March 26,2010 unang pumunta ng Pilipinas ang UKISS at nagperform sa Party Pilipinas, tandang tanda ko pa na pagkatapos ko silang mapanuod ay tinawagan ko ang bff ko na si Karla.

-----FLASHBACK-----

Karla: Hello?

Me: Uy kilala mo ba yung UKISS?

Karla: Ah. Yung kumanta ng Binggeul Binggeul?

Me: OO! May kilala ka ba sa kanila?

Karla: Si Eli lang, sinabi ni Thea. Ikaw?

Me: Ki...... KIBEOM? As in K-I-B-E-O-M.

Karla: Describe mo nga siya? :D

Me: Yung kamukha ni Mam Fajardz, yung mata lang pag tumatawa.

Karla: Hahaha.. Ano kayang itsura non?

Me: Basta gwapo silang lahat. Alam mo ba yung lyrics ng binggeul binggeul?

Karla: Hindi pa eh.. search ko mamaya.

----END OF FLASHBACK----

Yun na nga, nalaman kong gusto din pala ni Karla ang UKISS na kinababaliwan ko. At di kalaunan, ang isa ko pang bff na si Jing ay patay na patay din sa kanila. Akalain mo, kaming tatlo, pareparehas kami ng fandom. KISS ME ang tawag saming mga fan ng UKISS. XD

Kaya super happy kame nung malaman naming gusto namin ang iisang group. :)

Nang dahil sa UKISS,

*natuto kaming magKorean (pero slight lang, yung mga basic words lang)

*laging nagluluto ng noodles

*sinanay ang sariling magchopsticks

*pinapangarap na magka-asawa o bf na Korean

*gusto naming makapunta sa Korea at doon tumira

*nag-aral kung paano sumulat ng Korean alphabet

*natutong magtipid para lang bilhin ang albums (akalain mo yun, within 2 weeks nakaka 1K kame sa 60-80 na baon namin XD)

*nakipag-away sa isang OL Shop (antagal ibigay yung mga albums. XD

*nagpakulay ng buhok (kahit bawal sa school. LOL)

*bumili ng mga Korean style na damit (pero di sinusuot..nakakahiya eh. :D)

*hindi nagbo-boyfriend (mapili eh, gusto mukhang KPOP)

*nagpa-bangs (kahit ayaw nung una)

A Shared DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon