"Sige po kuya."


Inabot ko sa bata ang limang daan tapos ay tumakbo na ito palapit sa bar, napangiti ako at mabilis na naglakad, naghanap ako ng pwedeng taguan malapit sa kotse ni Drey.Kinuha ko na din ang dagger na dala ko at inalis ang nakabilot na tela don, napangisi ako ng makitang kinakausap na ng bata ang lalaki.


Lalong napahigpit ang hawak ko sa dagger ng makita itong lumabas na sa nakaharang na railings kung saan sila nakapwesto, mag-isa lang itong naglakad papunta sa kotse nito.


"Shit!"


Napayuko siya habang tinitignan ang butas na gulong ng sasakyan niya, bakas na bakas ang pagkainis sa mukha nito.


Humakbang ako ng isa para umalis sa pinagtataguan ko, handa na din ang kamay kong may hawak na dagger para gamitin iyon sa lalaking ito.


Napalingon ako ng makarinig ng yabag, mabilis akong bumalik sa pinagtataguan ng makita ang isang babae na palapit sa pwesto ni Drey.


"Hey, babe. Why are you here?" Sumilip ako at nakitang magkaharap na ang dalawa, nakaramdam ako ng inis dahil sa babaeng dumating."


May bumutas ng gulong ko, bwisit!" Hinawakan ng babae ang mukha ni Drey at iniharap ito sa kanya.


"Hey, relax. You can ride in my car, papakuha nalang natin yan." Nagtangis lalo ang panga ko ng makitang naghahalikan ang dalawa, papatayin ko na din ba ang babae?Napaigtad ako ng maramdamang nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa, hindi ko sana iyon papansinin ng maramdaman na matagal ang pagbavibrate nito.


Sumandal ako sa pader na pinagtataguan at inilabas ang cellphone kong kanina pa nagbavibrate.


"Hello? Hello Chip! Si tita esme mo ito, ang nanay mo!"Parang tinakasan ako ng lakas ng marinig ang sinabi ni tita, ano nanaman nangyari kay nanay?Mabilis kong pinatay ang cellphone, mas lalong napahigpit ang hawak kong dagger habang iniisip ang mukha ni papa. Anong kahayupan nanaman ang ginawa nito kay nanay.


Binalot ko ulit iyon sa tela at inipit sa likod ko, sinilip ko ulit si Drey na ngayon ay sapo sapo na ang dibdib ng babaeng kahalikan. Babalikan kitang hayop ka.


Umalis ako sa lugar at sa kabilang direksyon dumaan. Bago sumakay sa jeep ay inalis ko ang suot kong face mask at sumakay pauwi sa bahay.


Pagdating ko sa bahay ay walang katao tao, dumaretso ako sa kwarto at nagbihis tapos ay mabilis akong lumabas, tinext sa akin ni tita kung nasaan sila ni nanay.


Bawat hakbang ko papasok ng ospital ay kasabay nun ang malalakas na kabog ng dibdib ko, nanlalamig din ang kamay ko.


Nakita ko sa may information desk si tita at halata ang pagkabalisa nito, napatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.


"T-tita, si nanay?"


"Chip." Para akong tinakasan ng lakas ng makita ang pag iling nito at nagsimula na itong lumuha. Napatulala ako sa kanya, naramdaman ko nalang yung pagtulo ng luha ko.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon