Chapter Thirty

1.2K 28 0
                                    

Third Person's POV

"Eliza, tumakas na kayo ng anak natin."

"Eliza, please."

"Philip!"

"Hindi. Paano ka?"

Boses. Bago pa man magising si Eliza ay isang boses ng lalaki ang narinig nito mula sa kaniyang panaginip. Panaginip nga ba? Napabalikwas siya ng bangon.

Malalakas at mabibilis ang bawat paghinga nito. Napahawak si Eliza sa kaniyang dibdib. Para siyang nabalik sa nakaraan dahil sa panaginip na iyon. Parang totoong nangyari iyon. Pero, bakit wala siyang maalala? Bakit Eliza ang tawag ng lalaki rito gayong Deity naman ang pangalan nito? Deity Mercado.

Siya nga ba si Deity Mercado?

Bumangon siya mula sa kaniyang kama at nagpunta sa banyo para maghilamos. Wala ngayon ang kaniyang asawa, siguro ay nasa trabaho ito.

Tiningnan niya ang kaniyang itsura sa salamin. Isang imahe ang nakita niya ron. Imahe ng isang masamang panaginip.

Patak ng dugo. Baril.

Mabilis niyang pinunasan ang mukha nito at umalis na sa banyo. Ano bang nangyayari sa kaniya? Kalaunan ay natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na may hinahanap sa loob ng kwarto nito. Binuksan niya ang isang maliit na drawer at don niya nakita ang isang maliit na box. Binuksan niya iyon.

Nang makita niya kung ano ang laman nito ay biglang sumakit ang ulo niya, sa di malamang kadahilanan. Isang imahe ng isang bata ang nakita niya sa kwintas na hawak-hawak nito.

"Look, mommy! Daddy gave this to me!"

"It's beautiful, isn't it?"

"Daddy gave this to me."

"Daddy loves me!"

Mas lalong sumakit ang ulo nito. Saan nanggaling ang boses na iyon? Sino ang batang iyon? Mabilis niyang inilapag ang kwintas. Feeling niya anytime ay mawawalan na siya ng malay. Pilit niyang iminumulat ang kaniyang mga mata hanggang sa nakita niya ulit ang lalaki sa panaginip nito. Hindi niya masyadong mamukhaan dahil malabo ito.

"I love you, Eliza."

"I love you too, Philip."

Pilit niyang tiningnan ang imahe hanggang sa namukhaan niya na ito. Philip. Sino si Philip? Bakit hindi si Von ang kasama nito? Bakit hindi ang asawa niya ang kasama nito? Bakit ibang lalaki ang nakikita niya? Ano bang nangyayari? Bakit pakiramdam niya hindi iyon panaginip? Bakit pakiramdam niya isa iyong alaala na matagal nang nabaon sa limot?

Sa kakaisip ay bigla na lang siyang nawalan ng malay.

---

PANAY ang tawag ni AC kay Audrey mula sa kaniyang cellphone pero kahit ni isa ay walang sumagot rito. Panay rin ang mura nito, naghahalong inis at pag-aalala. Saan na ba kasi si Audrey?

"Hey man, chill! Kailan ba kayo huling nagkita?" Ani Kenneth sa kaibigan nitong si AC. Nasa tambayan sila ngayon. Si Kenneth nakaupo sa sofa kasama si Cyrus. Habang si AC naman ay palakad-lakad lang at hindi mapakali habang hawak-hawak ang phone nito. Pilit na tinatawagan si Audrey.

"Sabi niya magc-cr lang daw muna siya. Pero pagkatapos 'non hindi na siya bumalik! Shit, sabi ko naman kasi samahan ko na e. Ayaw naman niya." He said between frustration. Ginulo niya ang kaniyang buhok at halos umusok na sa inis.

"Saan na ba kasi 'yon?" Bulong niya sa sarili.

"Arghh!!" Mas lalo niya pang ginulo ang buhok nito nang hindi na naman sinagot ni Audrey ang tawag.

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now