Chapter Five

1.7K 34 2
                                    

Chapter Five

"ANO NANG BALITA?" Tanong ni AC sa mga kasamahan nito.

Umiling si Kris, isa sa mga kaibigan niya na kasama niya rin sa organisasyon, his hand went at the back of his head and massage it like he's tired enough. "Wala pang balita e. I've been off city and off country for one month now pero wala pa rin." Aniya.

He punched the table in annoyance. "Bullshit. Wag kayong titigil na hanapin sila."

"We're doing what we can, but there's no records of Red Skyler Vasquez, pati sa mga hospitals ay napuntahan na rin namin. Clearly, there's none."

"Is there any ways we can do to find them?"

"I don't know."

Napa-upo si AC sa silya at marahang ginulo ang kaniyang buhok. "Fuck."

Nagsi-alisan naman kaagad ang siyam na kasamahan nila. Silang tatlo na lang ngayon ang natitira sa kanilang tambayan. Ramdam ang dalawa niyang kaibigan kung gaano ka-frustrate ngayon si AC dahil hindi pa niya nahahanap ang mag-ina. Si Eliza Vasquez, ay asawa ng boss nilang si Philip Vasquez na isa sa pinaka-mayamang tao sa buong Asya. Isa rin siya sa may pinakamalakas na puwersa sa buong organisasyon at ang Exodus ang naatasan upang hanapin ang kaniyang mag-ina. Malapit si AC sa kanila dahil simula pagkabata pa lang ay kasa-kasama na niya ang mga ito, lalo na si Red, ang kababata nito. Gusto niya si Red at simula nong nangyari ang trahedya ay halos gumuho na ang mundo nito ng sinabing nawawala daw ang mag-ina. Thirteen years na sila ngayong nawawala at hanggang ngayon hindi pa nila ito nahahanap. Ang mga pulis ay sumuko na rin sa paghahanap dahil hindi na sila naniniwalang buhay pa ang mga ito. Kaya naman ang buong Exodus na lang ngayon ang naghahanap sa mga ito.

Batid niyang nasa eighteen na taong gulang na ang babaeng gusto niya sa ngayon. Sinabi ng amo niyang si Philip Vasquez ay ang tanging kwintas lang na letter V ang tanging makakatulong sa paghahanap nila rito pero 'yon ay kung nasa kaniya pa rin ito ngayon. Hindi lang basta V ito dahil may mga iba't iba pa itong mga disenyo, gawa ang letra sa black pearl at milyon-milyon ang halaga non. At ang tattoo nito sa likod nito na may nakasulat na Red na may korona sa tuktok ng letter R.

WHILE AUDREY straddles her Ducati and then the engine roared like a wild animal. Mabilis niyang napatakbo ito at ilang minuto lang ay nasa tapat na siya ng Monteverde Academy.

She parked her Ducati on the side of the car.

"Hoy! Hindi dyan ang parke ng mga motor. Dun oh." Turo ng guard sa isang masikip at hindi malinis na lugar.

Humarap si Audrey sa guard.

"I don't care. Tsaka bakit ko ilalagay ang motor ko dyan? E, maduming kagaya mo." Tsaka niya tinalikuran ang guard na literal na nakanganga dahil sa sinabi nito.

Pagkapasok pa lang niya sa room ay may dalawang babae nang humarap sa kaniya. Heto na naman sila. Wala siyang ginawa kundi ang bumuntong-hininga na lang.

"Ang kapal ng mukha mong saktan si AC!"

AC? Who's that? Nagtaas-kilay lang si Audrey habang titig na titig sa dalawang babae ngayon na kasalukuyang tinatarayan siya at naka-cross arm pa.

"Oo nga. Sapakin daw ba kasi 'yong leader nila."

Ah. So, AC's his name, huh? Well, the hell she care?

Ngumisi si Audrey. "You two done yet? Pwede na ba akong umupo?"

Astang maglalakad si Audrey patungo sa kaniyang upuan ng biglang hilain siya ng babaeng humarang sa kaniya.

"Ang kapal ng mukha mong talikuran ako." And she slapped Audrey's face hard. Pero ang ginawa lang ni Audrey ay ang humalakhak. Nobody dares slapped her like that.

"Ano? Hindi ka lalaban? Natatakot ka?" Ni-head-to-foot niya 'yong babaeng nanampal sa kaniya tapos ngumisi siya ng nakakaloko. This girl is cheap. Mas matangkad si Audrey sa kaniya at mas maganda. Kung sampalin kaya niya itong babaeng ito?

"Can you atleast tone down your voice? You're talking like a freaking banshee. Ang sakit sa tenga."

The girl's face flushed in annoyance and in so much irritation. Fucking great! What a fucking morning!

"Bitch—"

"Sa katulad mo, tingin mo matatakot ako? Sorry, but I don't slap cheap faces, I punch them with my precious fist. Pero sa itsura mo, hindi na lang, kawawa ka naman e."

"How dare you—" Astang sasampalin na naman niya ito ng biglang nahawakan ni Audrey ang kamay niya, rason para hindi natuloy ang pagsampal niya rito.

Inuubos niya ang pasensya nito. She stared at the woman furiously na para bang isang salita mo lang sa kaniya ay maglalabas na ang apoy ang mga mata nito.

"Uulitin ko, hindi sa katulad mo ako matatakot. Wag mong ubusin ang pasensya ko, dahil kaya kitang gawin sa kung ano man ang gustuhin ko. Don't you dare messed up with me, again." May kapangyarihan ang boses nito. Madiin at nakakatakot na kung sino man ang makarinig ron ay ultimong manginginig. Base sa kaharap nito ay konti na lang bibigay na. Marahas na binitiwan ni Audrey ang kamay ng babae na kasalukuyang takot dahil sa inasta nito sa kaniya.

"Grabe ang galing mo." Tili ni Klea sa kay Audrey.

"Shut up." Bored niyang sagot rito kaya mabilis na tinikom nito ang bibig niya.

Wala na bang bago? Bukod sa pagharang nila sa kaniya, aastang sasaktan, o ano man. Wala na bang bago? Dalawang araw pa lang niya rito ay ang dami na kaagad ang nangyari. Ano na lang ang mangyayari sa kaniya? One versus many? Gago ba sila? Iilan pa lang ang nakaharap niya, ilan pa ang mga susunod? Tsk. Ganon ba kakitid ang utak nila para pagka-isahan siya? Imbes na mainis ay napangisi si Audrey. Hindi nila kasi kaya ito kaya pinagkaka-isahan nila ito. Mga weak talaga.

Nang dumating ang teacher ay hindi siya nakinig. Chemistry lang naman 'yon. Kahit hindi na siya makinig ay alam na alam na niya ang mga ito. Umidlip na lang siya saglit. Pero pagkatapos ng ilang minuto...

"Audrey Val Mercado!"

Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata nang sumigaw ang teacher nila.

"Bakit?" Tanong nito sa kaniya.

"Nakikinig ka ba?!"

Kumunot ang noo nito, "Nakaidlip ako kanina. Tingin mo?"

Nakita niyang umusok ang ilong ng teacher at sigurado itong sasabog na siya sa galit kapag pinagpatuloy pa ni Audrey ang ganong pagsagot. Wala naman kasi siyang GMRC e. Tss.

"Sagutin mo ang tinatanong ko sa mga kaklase mo at kapag hindi mo 'yon nasagot ng tama! Wala ni isa sa inyo ang madi-dismiss!"

"Hala."

"Nakakainis naman itong Audrey na 'to."

"Bwisit talaga siya."

"Nakakainis naman. Paano kung hindi niya masagot?"

"Tutulog-tulog pa kasi e."

She heard several whispers. Nagtaas lang siya ng kilay tapos humarap sa teacher.

"Ano bang tanong mo?" Tumayo siya kaagad at nagpamulsa. Kaswal lang niya 'yong sinabi.

"What is chlorofluorocarbons?"

'Yan ba 'yon? She rolled her eyes. "Chlorofluorocarbons or CFCs, is a synthetic substances previously used as aerosol propellants, cooling fluids, and cleaning solvents; CFCs lead to stratospheric ozone destruction through production of chlorine radicals."

Nakita niyang natigilan ang teacher pati na rin ang mga ka-klase nito. Kahit ganiyan lang si Audrey ay may kaalaman pa rin naman siya sa academics. Kahit papaano naman ay hindi niya napapabayaan 'yon. Mahilig siyang magbasa ng mga libro pero hindi niya 'yon inaaraw-araw hindi kagaya ng mga nerd na hindi mabubuhay kung walang libro.

"Very good, Miss Mercado." Bakas ang pagkapahiya ng teacher nang sinabi niya ito. Who would have thought na si Audrey na tulog kanina ay nakasagot sa tanong na hindi naman niya narinig kung ano ang pinag-uusapan nila? Well, that's talent ika-nga niya.

"Pwede na ba kaming lumabas?" Nakangisi siya. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng teacher nang bigla na lang niya kinuha ang bag niya at lumabas. Nakarinig pa siya ng mga bulungan sa loob ng klase bago siya tuluyang nakaalis. Tss.

END OF CHAPTER.

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now