Chapter 7: Hybrids

Începe de la început
                                    

"I said calm the fuck down. Didn't you hear me?!"

Natigilan ang lalake dahil sa banta ni Sebastian. Tila natauhan ito kung sino ang sinusuway niya. Unti unting lumayo ito sa akin. Ang mga matatalim niyang kuko tila umatras. Ang kanyang nakamamatay na titig ay kumalma. At ang kanyang pangil ay naglaho sa likod ng kanyang mga labi.

Humahangos na dumating ang babae at lalakeng kasama nito.

"I'm so sorry, Sebastian! I tried to calm them. I did. Pero hindi ko na sila napigilan. I'm so sorry!" Sunod sunod na sinabi nito sa nag aalalang boses. Tila natatakot sa maaaring mangyari.

Hindi sumagot si Sebastian. Mariin ang titig nito sa lalake. Saka siya bumaling sa akin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang nakasandal parin sa bakod.

Hindi ako makagalaw. Nanginginig ang halos buo kong katawan. Hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko na gusto pang malaman!

Ang galit sa mukha ni Sebastian noong oras na yon ay kapareho sa galit niya noong may nag away sa school. Mukhang mas matindi pa.

"Umalis na kayo dito." utos niya sa magkakaibigan. "Mamayang gabi kakausapin ko kayo." sinabi niya.

Nanatiling nakatingin si Sebastian sa akin. Agad na umalis ang magkakaibigan at naiwan kami sa campus ni Sebastian. Pero maging sa kanya ay hindi na din ako sigurado kung ligtas ako. Matapos ng mga nakita ko hindi ko alam kung kanino pa magtitiwala sa lugar na ito.

Bigla siyang lumapit sa akin. Napa atras ako. Natigilan siya nang makita ang reaction ko.

"Hindi kita sasaktan, Laura." sinabi niya.

"You are just like them." mariin kong sinabi. "Pare-pareho kayo sa bayan na ito, hindi ba? Kaya paano ka nakakasigurado?"

Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Only eighty percent. The remaining twenty are the people like you. Humans."

"Ano ba talaga kayo?" tanong ko. Halos nakikiusap na ako. Gusto ko ng matigil ito. Kailangan kong malaman.

Muli siyang humakbang palapit. "Kung sinabi ko maniniwala ka ba?"

Tinitigan ko siya. Siguro nga ayokong maniwala. Dahil ayokong tangapin na hindi normal ang mga taong nakakasalumuha ko araw araw.

I'm always been logical and reasonable about things. Ayoko ng mga bagay na walang paliwanag, mga bagay na hindi ko maintindihan.

"We know you are working on finding the truth about Van Zanth. Ngayon ay nasa harapan mo na." sinabi ni Sebastian. "Ano ba kami sa tingin mo, Laura?" naghahamon na tanong niya.

"I-I don't know." I breathed. "You have animal characteristics, the hierarchy, the isolation of Van Zanth from other town-"

"That's what we are."

Natigilan ako. "Then tell me exactly!"

Bumuntong hininga siya na tila ba wala ng pagpipilian kundi ang sabihin sa akin ang gusto kong malaman.

"We are hybrids."

I stared at him. Hybrids?

"We are humans with animal characteristics. We are almost the same as werewolves. But we don't do shifting. We are as it is. Kaya naman palabasin ang mga katangian tulad ng pangil o matutulis na mga kuko, mabilis na pag galaw o matinding lakas, depende sa nag trigger sa amin. Emotions, predatory impulses, danger or territorial reflexes."

Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga salitang naririnig mula kay Sebastian.

"Part human, part animals. Sa mga normal na tao we are a monster, a beast. Dahil sa kakaibang dugo na dumadaloy sa lahi namin. It's like an illness with no cure. Ang kaibahan lang we treat it as an advantage dahil sa hindi pangkaraniwang bagay na nagagawa namin."

Living with a Half BloodUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum