Chapter 8

11 1 0
                                    

Allyson Catherine Evangeline

Buong akala ko ay mahihirapan akong paki-usapan siyang mag-aral, pero nagkamali pala ako.

Heto ako ngayon at parang tangang nakatulala sa katabi ko habang presko itong naka-upo hawak ang isang...... libro.

"What?" Napakurap ako ng dalawang beses saka dahan dahang umiling. Pinasadahan ko pa ng isang beses ang lamesa niya, walong libro na nagpapatong ang nasa harap nito, isama pa ang librong nasa kamay niya.

"Psst!" Red poke my left shoulder, so I turn my gaze to him. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa katabi ko, tapos titingnan niya 'ko ng matagal na para bang may mali siyang nakikita.

"May sinabi ka bang kakaiba sa kaibigan ko?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ni hindi nga kami nagkakausap ni Zachary, ano namang sasabihin ko?

"Wala naman. Bakit?" Medyo napaatras ang ulo ko dahil sa biglaan niyang paglapit sa'kin. Tinignan niya ako ng matagal, mata sa mata.

"Wala talaga?" Tinaasan pa niya 'ko ng kilay na para bang hindi siya naniniwala.

"Wala nga."

"Hindi mo siya in-offer-an ng kahit na ano?" Ba't ba ang kulit neto?

"Wala nga, ano namang sasabihin ko?" Ni hindi nga kami close eh.

"Walang trading? Kagaya ng mag-aaral siyang mabuti kapalit ng isang date? O kaya ay ki-- Aray ko po." Namalayan ko na lang na may lumilipad ng notebook papunta sa direksyon ni Red. Natamaan siya sa noo kaya hindi na niya natuloy ang sinasabi niya.

"Zach naman, nakikipag-usap lang eh." Naramdaman kong hinila ni Zach ang upuan ko papalapit pa sa kaniya. Medyo nawawala na nga siya sa linya dahil kulang na lang ay dumikit na ang upuan nito sa bintana habang ang upuan ko naman ay nakagitna na sa pagitan ng mesa namin. Kaya naman sobrang layo ko na kina Red.

"Get up." Nakatanga lang ako habang tinitignan siyang nililigpit ang mga gamit niya. He then grab his bag, saka tumingin sa'kin ng nakakunot-noo.

"I said get up." Now, he's eyeing me with his usual death glare, kaya kahit nagtataka man ay tumayo na rin ako.

Inayos niya muna ang pagkaka-align ng upuan namin, saka niya kinuha ang bag ko at inilipat sa upuan niya habang ang kaniya ay inilagay sa upuan ko. At walang sali-salitang umupo ito sa puwesto ko. He look at me, then he point his chair using his head. Magsasalita pa sana ako pero ng makita ko na naman ang awra niya ay natakot ako, kaya wala akong nagawa kundi umupo na lang sa puwesto niya.

Balik sa pagbabasa ulit siya ng tignan ko ito pagkatapos kong umupo. Nahihiwagaan pa rin ako sa mga kinikilos niya ngayon, kahapon lang ay ni wala siyang balak sumagot sa mga quizzes namin, ni hindi niya nga man lang hinawakan ang ballpen nito, tapos ngayon.

"Don't stare for too long, I might melt." I blink several times at what he said. Nakatingin pa rin ito sa libro pero pansin kong palipat-lipat lang naman ito ng pahina.

"I'm not, yung libro naman ang tinitignan ko." Bumaling siya sa'kin habang nakataas ang isang kilay.

"Really?" I nod at what he said.

"I'm not convinced." Bumalik siya sa pagbabasa, itinaas pa nito ang mga paa niya saka ipinatong sa mesa.

"Totoo. Kasi, that books are for second semester." Pagkasambit ko no'n ay nakarinig ako ng mga tawanan galing sa mga barkada niya, kahit ang kambal na hindi ko pa nakikitang bumuka ang mga bibig ay kulang na lang malaglag na sila sa upuan dahil sa kakatawa.

"Akala ko talagang seryoso ka na sa pag-aaral, props lang pala." Tawa ng tawa si Red habang sinasambit ang mga 'yon. He's pointing at Zach saka ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan nito.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon