Chapter 11

14 1 0
                                    

Allyson Catherine Evangeline


"Red, may iba ba sa likod ko?" Tinignan niya ako na para bang may saltik ako sa ulo, pinitik niya ako sa noo kaya napadaing ako sa sakit.

"Walang problema sa likod mo Ally. Maganda lang talaga ang nakaukit." Hinawakan niya ako sa balikat saka pinihit paharap kaya ako na ang nauuna sa paglalakad.

Ano bang nakalagay sa likod ng damit ko at panay ang tingin ng mga estudyante? Kanina pa mula sa gym at hanggang ngayon na nasa open field na kami.

We'll be playing soccer, at gano'n pa rin naman ang grupo. Binigyan lang kami ng isang oras ni teacher para magpahinga.

Naramdaman ko na may humila sa damit ko sa likod kaya napahinto ako sa paglalakad. Si Zach pala ang humihila.

"Where are you going?" Itinuro ko sa kaniya ang bleachers na malapit sa lilim ng puno, nandoon din kasi si Liezel kaya gusto ko sanang doon din ako umupo.

"Dito na lang tayo." Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako at sapilitang pinaupo sa unang baitang ng bleachers. Tumabi sa akin ang kambal habang ang tatlo naman ay pumewesto sa likod ko.

Inis na tumingin ako sa likod ng sa pangatlong beses ay hawiin ko ang buhok ko patalikod.

"Tigilan mo nga ang buhok ko." Kanina pa hinahawi ni Zach paharap ang buhok ko. Dahil nga pawisan pa ako ay nadidikit ang buhok sa pawis ko sa leeg kaya nakakairita kapag inilalagay niya paharap.

Ano bang trip ng lalaking 'to?

"What?" Nakataas ang kilay nito habang hawak-hawak na nito ang buhok ko at wala atang balak ibaba.

"Just bun her hair Zach." Nagtatakang tiningnan ko si Owen ng makisali na rin ito sa pagdiskita sa buhok ko.

"How?" Owen took his phone on his pocket saka may kinalikot dito. Hindi nagtagal ay may pinanood ito kay Zach.

"Ano yan?" Nakisali na rin si Red sa panonood. Gusto ko rin sanang manood pero mataas ang puwesto nila kaya hindi ako makasilip.

"Mga tsong, nababakla na ata kayo. Tutorial on how to bun a girl's hair?" Naiiling na bumalik ito sa puwesto niya, habang ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil talagang seryoso sila sa panonood.

Pagkatapos manood ay binaling ulit ni Zach ang atensyon sa buhok ko.

"Look upfront." Nasindak naman ako sa paraan ng pagtitig niya ng mapansin niyang hindi ko ito sinunod. Inis na tumingin ako sa harapan at hindi na lang pinagtuunan ng pansin ang ginagawa nito sa buhok ko.

Naramdaman kong pinapaikot niya ang pumpun ng buhok ko. Hahawakan ko sana para damhin ang ginagawa niya ng marahan niyang tapikin ang kamay ko.

"Where's your tie?" Nilahad niya sa akin ang kamay nito at humihingi ng pantali ng buhok. Talaga nga yatang iba ang epekto ng chocolate kay Zach. Nagiging weirdo ito kapag kumakain ng matamis.

"Wala na, yun lang nasa buhok ko." Naramdaman kong pinakawalan niya sa pagkaka-ikot ang buhok ko. Marahan niyang nilugay ang buhok ko, pagkatapos ay ginawa ulit na ponytail. Nang maramdaman na wala nang Zach na humahawak sa buhok ko ay hinawakan ko ito at dinama. Ginawa niya ngang bun ang buhok ko, pero may mga ilang nagsisilaglagan kaya malamang magulo ang pagkakagawa niya.

"Okay guys, time's up na. Girls kayo ulit unang maglaro." Tumayo na ako at patakbong tinungo ang gitna ng field. Narinig ko pang chinicheer ako nina Red pero hindi na ako lumingon sa kanila.

"Just have fun girls, remember this is just a play, not a serious game." Pumito na si Sir kaya naman ay pumewesto na ako. This is Sky's sports game, naturuan na din niya ako kung paano maglaro ng soccer kaya naman maalam nadin ako kung paano ito laruin.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon