23. Bestfriend's Confession

Start from the beginning
                                    

"Ivan, sabihin mo saken please hanggat maaari. Ayokong ganyan yung pakikitungo mo saken"

Hindi sya kumibo.

Tumahimik na rin ako. I give up, kung after examination, edi sige. Wala naman akong magagawa, mukhang ayaw nya talagang sabihin saken eh.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa bintana.

Napaisip ako sa sinabi nya kanina.

Ano kaya ang ibig sabihin nya na ako yung gusto nyang kapalit?

Narating namin yung bahay namin nang hindi man lang masyadong nag usap. Kapag kasi magkasama kami, ang iingay namin.

Hindi ako sanay na ganito kami.

"Salamat sa paghatid Ivan. Mag ingat ka, good night"

Bababa na sana ako pero tinawag nya ako.

"Meiko"

Lumingon ako sa kanya pero hindi sya umimik.

Parang may gusto syang sabihin saken..

"Goodnight"

Kumunot naman yung noo ko. Parang hindi kasi yan yung gusto nyang sabihin.

"Ganyan ba dapat yung mukha kapag nag go-goodnight ka?"

Mukha kasi syang disamayado.

Hindi naman sya kumibo..

"Sana ivan, sana sabihin mo saken kung ano yang nasa isip mo"

Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa bahay..

Dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga nang madatnan ko si keiji na nakaupo sa maliit na sofa na nasa kwarto ko..

Naka crossed arms sya at nakasandal yung paa nya sa tuhod nya.

"Keiji anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Tumayo naman sya at lumapit saken.

"What took you so long meiko?" Sabi nya nang wala man lang emosyon.

"Traffic"

Alam ko na hindi yun yung iniisip nya. He loves jumping into wrong conclusions kaya hindi ko na sya pinasalita pa, umalis na ako sa harapan nya at dumeretso sa higaan ko at umupo dun. Hindi muna ako hihiga hanggat hindi pa sya umaalis.

Ewan ko, parang tinatamad ako ngayon. Wala ako sa mood dahil sa dami ng iniisip ko.

"Really meiko? Sino bang mga kasama mo sa group study nyo?"

"Yung mga kaklase ko nga keiji, pwede saka ka nalang magtanong? Gusto kong magpahinga please lang"

Ayokong magkainitan pa kami dito, ang dami ko nang iniisip ngayon. Yung sinabi ni Ivan saken, hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko.

"Classmates? As far as i fcking know meiko, you're not that fcking close with your classmates aside from that two faced bastard, which you called your "good bestfriend"."

Nagulat ako sa sinabi nya. Kaya nga ako nagsinungaling para di na kami mag away pa tungkol dito tapos ngayon....

"Keiji----

Naputol yung sinabi ko nung lumapit pa sya lalo sa harapan ko, nakatayo sya habang ako naka upo sa kama at nakaharap sa kanya.

"Do you really think you can fool me? There's no point lying, I know you're with him. So what took you so long? It's almost fcking midnight"

Napabuntong hininga nalang ako.. Eto na naman. Gusto ko lang naman magpahinga!

Pagod na nga ako, iniinit pa yung ulo ko!

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now