Rise of the Fallen

296 31 17
                                    

Rise of the Fallen by ZherZhey

Critique language: Filipino-English
Date posted: 13th February, 2019

Warning: You may or may not like what you are about to read. Nonetheless, I don't give a flying fig about it. Not only once did I warn you. Sorry, not sorry.

Note: Unlike my previous critiques, this time I will talk directly to the author because I think that style would be more effective to get my point across.

+++

Unang una sa lahat, hindi ako tanga.

The first scene is utterly similar to a certain popular drama. Coincidence? Fine, you can say that. Pero kapag mabasa ito ng ibang tao, tingin ko hindi ganyan ang iisipin nila. And as the author, kapag ba malaman mong may kapareho pala ang kwento mo, hindi mo ba ito babaguhin? Lalo na't mas nauna 'yon kesa sa 'yo? Maninindigan ka pa rin sa concidence na disclaimer mo?

Oo, kailangan mong baguhin ang prologue mo. Ikaw ang dapat mag-adjust. Kasi ang drama na 'yon ang mas nauna at mas sikat. Kung sumikat man ang kwento mo, ikaka-proud mo ba na magkatulad na magkatulad ang simula?

Pwede nating sabihing pinaghirapan mo ang ideyang 'yan. Pinagpuyatan mo makalikha ng orihinal at unique na plot. Pero mahirap paniwalaan. No, this is not an accusation. I have proof. Here's a list:

1. Nabangga ng sasakyan ang nanay ng bida habang ipinagbubuntis pa siya nito.

2. Hindi sila namatay dahil may lalaking niligtas sila mula sa bingit ng kamatayan. Like he's a god or something.

3. Sunod na eksena ay sa ospital kung saan nagsilang ng sanggol ang babaeng 'yon.

4. Ilang taon ang lumipas, araw ng kaarawan ng bida. Sinurpresa siya ng kanyang nanay.

5. Nalaman niyang namatay na pala ang kanyang ina at kaluluwa lang nito ang nakausap niya nang gabing 'yon.

6. Lumabas ng bahay ang bida at may lalaking naka-tuxedo ang kumausap sa kanya.

7. Ilang taon ulit ang lumipas, teenager na ang bida. Doon ni-reveal na nakakakita siya ng kaluluwa at lahat ng school mates niya ay tinuturing siyang weirdo.

Ngayon mo sabihin sa akin na nagkataon lamang ang pagkakahawig. Grabe. Bonggang coincidence! Slow clap to the author. Ano, iisa ang utak nyo ng writer ng drama na 'yon?

Don't make me laugh, iha.

That is plagiarism. Maari kang kasuhan ng copyright infringement. I think you already know that, since you mentioned it on your disclaimer. Sinabi mo rin do'n, pinag-isipan mong mabuti ang mga pangyayari. Sigurado ka? Inisip mo ba talaga? Naisip mo ba na kahit i-twist mo ang ibang detalye, palitan ang pangalan, kasarian, setting, etc., plagiarism pa rin 'yan? Naisip mo ba na kahit komopya ka nang konting-konti, plagiarism pa rin 'yan?

Oo, marami nang magkakatulad na plots ngayon. Wala nang unique na idea. Pero sayo, ginayang ginaya talaga e.

Wala namang masama kung sabihin mong inspired ka do'n. That way, binigyan mo ng credits ang drama na 'yon kaya ligtas ka sa copyright infringement. Pero hindi e. Inangkin mo. O, anong napala mo? Did it make you a better writer? Dumami ba followers mo? Dinagsa ka ba ng readers? Tumaas ba ang rating ng story?

Hindi, 'di ba? Pinatunayan mo lang na hindi mo kayang gumawa ng sariling kwento. Pinatunayan mo lang na hindi ka karapat-dapat na tawaging author.

I don't get why you wrote that in the first place. Gandang ganda ka ba sa storya ng drama na tinutukoy ko? Kaya ginaya mo ang mga pangyayari? If a reader is gonna like your work, will you feel flattered that someone is praising you for something that isn't originally yours?

Saan ka ba kumuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para ipa-critique itong ginawa mo? Kung nasasaktan ka sa mga pinagsasabi ko dito, expect the worse in the future. The production team of that said drama may hunt you. The fans of that said drama may bash you.

So, ipaglalaban mo pa rin na hindi sinasadya ang pagkakahawig? Aba, huwag ako. Hindi kasing baba ng mga nauto mong readers ang IQ ko. Sa ilang taon ko sa mundo, alam ko ang kaibahan ng coincidence sa kunwari coincidence.

Hindi mo ako maloloko, kaya huwag mo ring lokohin ang sarili mo.

Palitan mo 'yan! Kung tamad kang mag-edit, delete mo na diretso. Huwag mo nang hintayin na ma-report 'yang gawa mo. Mapapahiya ka. Mawawala ang credibility mo bilang manunulat.

Ayaw mong bitawan ang kwento kasi sayang? Ipagpapatuloy mo pa rin kahit na halatang-halata namang kinopya mo ang ilang pangyayari at konsepto?

Sige, girl. Push mo 'yan. Good luck sa writing career mo.

+++

Siren's message:

So disappointing. Maganda na sana ang cover, kaso ang content nakaw pala. :(

t r u t h   s l a p  | critique shop [temp. closed]Where stories live. Discover now