Chapter 7

63 0 0
                                    

Alas nueve beintetres ng umaga. Nagising ako sa isang text. Isang number ang nagregister sa cellphone ko nang binuksan ko, siMama pala.

"ANG KPATID M PTAY N. UMUWI K AGAD. - MAMA"

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi nararamdaman ng katawan ko. Hindi ako umiiyak ngunit nakatulala. Naligo ako. Nagayos ng sarili. Nagayos ng gamit at umuwi na. Hindi man lamang sumagi sa isip ko kung nanloloko ba ang taong iyon, o si kung mama ba talaga iyon. Ni hindi ko rin man lamang naisip na magreply sa number na iyon. Basta ang alam ko lang kailangan kong umuwi.

Habang papalapit na ang sinasakyan kong tricycle sa bahay, napansin kong nakalabas ang ilan sa mga gamit namin sa bahay. Bukas ang gate at maraming tao. Hinanap ko agad simama. Nakita ko siyang umiiyak at may binabasang papel. Nang tiningnan ko, isa pala itong autopsy result. Pina-autopsy nila ang bangkay ni Maria.

" Ma...anong nangyari?"

"Nasaan ka ba? Hindi ka ba umuwi sa bahay?"

"Umuwi po. Bakit ano po ba ang nangyari kay Maria?

Inabot sa akin ni mama ang autopsy result. Nagulat ako at nanlamig. Ayon sa result labing tatlong-araw nang patay si Maria.Natagpuan siyang patay sa ilalim ng kama. Naaagnas na....

Ang Liham.Where stories live. Discover now