Chapter 5

71 0 0
                                    

"Oi, *** hapend 2 u? Msma p b pkiramdam u? Kla me ppsok n u knina?

Wala pa ring reply.

Siguro wala nang load si Maria.

Dumaan ang Miyerkules at Huwebes. Uwian na naman. Apat na araw lang ang pasok namin nuon. Inimpake ko na ang mga marurumi kong damit at umuwi na sa Cavite City.

Pagdating ko sa bahay...

"Maria!"

"Maria!"

Walang sumasagot. Binukasan ko ang pinto. Ang baho ng bahay. Amoy bulok na laman. "Ang baho!"

"Maria..........Maria !"

Lumabas si Maria ng banyo. Katatapos lang magsipilyo ng ngipin.

"Maria ano yung mabaho. Amoy patay na daga."

"Dyan yun sa kapitbahay. Namatay kasi yung aso nila. Nasagasaan. At matapos masagasaan ay nagawa pang makabalik ng kulungan at duon na namatay."

"Eh bakit hindi inilibing?"

"Wala ang may ari. Hindi pa umuuwi ilang araw na. Hindi rin naman mailibing ng ibang kapit-bahay dahil naka-lock ang gate.

"O, naka-lock pala ang gate, bakit nakalabas pa rin yung aso?"

"Malay ko."

"Naku isara mo nga yang bintanapara hindi pumasok dito ang amoy. Nakakasuka."

Isinara nga ni Maria ang bintana. Maya-maya pa ay naghapunan naako. Ayaw sumabay ni Maria sa akin dahil nawalan daw siya ng gana. Isa pa nagsipilyo na raw siya ng ngipin. Kaya mag-isa nalang akong kumain.

Nang matutulog na ako ay tumabi nalang ako kay Maria. Double-deck kasi ang kama namin. Ako sa itaas at si Maria ang sa ibaba. Ayoko sa itaas. Tapat na tapat sa bintana ang mukha ko. Tiyak na langhap na langhap ko ang amoy ng namatay na aso sa kabila.

Ang Liham.Where stories live. Discover now