Chapter 4

80 0 0
                                    

Makalipas ang ilang minuto...

"Mmm...arthaaa! Mmm...arthaaa!"

Nanginginig na sigaw ni Maria. Parang may halong takot ang pagkakasigaw niya noon sa pangalan ko. Nataranta ako sa ginawang pagsigaw ni Maria. Napabalikwas ako sa pagkakaupoat napatakbo papuntang banyo.

Nakita ko siyang nakatungkod ang isang kamay sa lababo at angisa ay hawak-hawak ang kanyang dibdib habang patuloy na nakatingin at umiiyak sa harap ng salamin.

"Baket?" "Anong nangyari?" "Maria napa-ano ka?"

Sunud-sunod kong tanong kay Maria.

Hindi ko alam ang nangyari kay Maria sa loob ng banyo hanggangsa bigla na lamang akong natakotat kinabahan sa sumunod na nangyari...

Unti-unting napaluhod at umiyak si Maria. Patuloy ang kanyang panginginig. Mula sa paimpit na iyak ay unti-unti itong nagkatinig. Tinig ng hagulgol. Nakakaawa. Nakakakaba. Nakakatakot.

Matibay si Maria. Matapang. Ngunit bumilis ang kaba ng dibdib ko ng makita ko ang nangyari sa kanya sa loob ng banyo. Alam kong may masamang nangyari sa kanya. Hindi basta-basta magkakaganitosi Maria ng walang mabigat na dahilan.

Kinabukasan...

"Kring...kring!"

Nag-ring ang telepono. Si mama, medyo matatagalan daw sila bago makauwi ng bahay dahil may aberya pa rin daw sa lupa. Kailangan daw maayos iyon bagoumuwi sina lola (ang nanay ni mama) na nasa US sa 24 (ibig niyang sabihin, September 24, 2002).

Ok na si Maria. Parang walang masamang nangyari kahapon. Mga ilang ulit ko na ring pinagtangkaang tanungin siya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa banyo, ngunit palagi niya itong iniiwasan. Minsan pa nga, palihis ang mga pagsagot niya sa aking mga tanong upang maiba ang usapan.

Dumaan ang Sabado, Linggo at sawakas Lunes na naman. Pasukan na naman. Biglang nilagnat si Maria. Medyo nahihilo raw siya. Ako na lamang daw ang pumasokat ipagpaalam ko raw siya sa aming mga instructors.

"Sabihin mo sa kanila baka bukas nalang ako pumasok, masama pa kasi ang pakiramdam ko."

Martes, September 17, 2002, 7:12 ng umaga.

"Too-toot, too-toot!"

One message received. Si Maria.

"Nwa2la *** ID me. Ndi u b ndla?"

"Nope. Ala skin *** ID u. Bka nsa bag ng mrumi mong dmit. Ppsok n b u?"

Walang na akong narecived na text mula kay Maria nung araw na yun. Hanggang mga bandang alas sais ng gabi, ako na ang nagtext kay Maria.

Ang Liham.Where stories live. Discover now