Chapter 2

88 0 0
                                    

Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus.Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.

"Eto pong bayad, dalawa galing Tanza."

Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.

"Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natindito sa pinagparahan mo"

Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.

"Tricycle!"

Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.

"Sa Novero po"

"Ano ka ba Martha, kulang na angpera natin pangtricycle"

"Diba may napulot kang wallet?, Ehdi yung pera muna dun ang gamitin nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama."

. . . . . . . .

"Dyan lang po sa may gate na blue."

Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa napulot niyang wallet.

"Ma..., Pa..., nandito na po kami!"

Walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Si Maria naman ay dumeretso sa kwarto namin.

May sulat na iniwan si mama sa mesa sa kusina. Wala pala sina mama at papa, nagpunta sa Laguna para asikasuhin ang titulong lupa namin doon. Medyo nagkakagulo na rin kasi ang mga pamilya ni mama doon sa Laguna tungkol sa lupa namin nuong mga panahong iyon.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Maria. Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at tinitingnan kung ano ang mga laman ng wallet na napulot niya kanina.

"Maria nasa Laguna raw sina mama at papa para ayusin ang titulo ng lupa natin doon"

"Martha, halika rito, tingnan mo itong sulat na nakaipit sa wallet."

"Ano yan?"

"Ewan ko, baka anting-anting"

"Latin yata yan eh."

"Ewan"

Sinubukan kong basahin ang sulat ngunit talagang mahirap bigkasin. Biglang inagaw sa akin ni Maria ang sulat.

Ang Liham.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt