Chapter 3

90 0 0
                                    

"Ano ka ba, pag ang letter "V" ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter "U" at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter "V"

"Asus! At saan mo naman natutunang magbasa ng Latin?"

"Basta alam ko yan"

"Sige nga."

"MORITUM TE SALUTAMUS, EST DEXTRUMI CURITE, AVE VERSUS CRISTUS, VERUM DE TREVI, VERMI EST REFLEXUM, ARUM DRI TRIPUM, DEXTRUMI LENTENUM, AVE SATANI"

"Ang galing ah parang totoo, bahala ka nga sa buhay mo, kakain na ako"

"Martha anong miryenda?"

"Miryendahin mo'ng mukha mo!"

Pumunta ako ng kusina, binuksanang refrigerator at naghanap ng maaaring kainin. Samantalang, si Maria naman ay hindi na lumabas ng kwarto namin. Mga bandang ala-sais kwarenta y sinco na nangbumalik ako sa kwarto namin.

"O, akala ko ba magmimiryenda ka?"

"Ayoko na. Bigla kasi akong nahilo pagtayo ko kanina kaya hindi nalang ako lumabas."

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi na, nalipasan na yata ako ng gutom"

Pagkasabing-pag kasabi ni Maria noon ay bigla siyang napaduwal. Kaya dali-dali siyang nagtungo sabanyo namin sa kwarto at sumuka sa lababo.

Ang Liham.Where stories live. Discover now