Chapter 1

173 0 0
                                    

This is the story of my twin classmates in Cavite State University. They are Martha and Maria. Martha gave me the permission and opportunity to put their story into texts. This story was made in honor of my late classmate, Maria. What you are about to read was told in Martha's point of view.

"Ano ka ba, pag ang letter "V" ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter "U" at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter "V" - Maria

MORITVM TE SALVTAMVS EST DEXTRVMI CVRITE AVE VERSVS CRISTVS VERVM DE TREVI

VERMI EST REFLEXVM ARVM DRI TRIPVM DEXTRVMI LENTENVM AVE SATANI

Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siyanamatay...

September 12, 2002... Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito angsumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US noong nakaraang taon ng 2001. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.

Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutongna ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) ,papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.

Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sadriver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver.

"Para!"

Ang Liham.Where stories live. Discover now