Chapter 6

61 0 0
                                    

Nang nahiga ako, amoy parin angbaho ng patay na aso. Dumikit nayata sa kama namin ang amoy kaya nag spray ako ng air freshener.

"Bat hindi ko naisip yan?"

"Oo nga, ilang araw ka nang nagtitiis ng amoy dito, hindi mo man lamang naisipang mag-sprayng air freshener."

Kinabukasan...

Unang nagising sa akin si Maria. Paglabas ko ng bahay nakita ko siyang nanunuod ng T.V. Alas diyes na pala.

"Martha kumain ka na. Nandyan yung tinapay sa mesa. Yung palaman natatakpan ng plato."

Normal ang araw na iyon at ang mga sumunod na araw.

Linggo ng hapon, inaayos ko na ang mga damit ko na dadalhin ko papuntang dorm. Balak kong umuwi na sa dorm at duon na lamang matulog kahit ala-una pa ng Lunes ang pasok namin ni Maria.

'Ikaw hindi ka ba sasama?"

"Hindi na. Hindi pa ako naglalaba ng mga gamit ko nuong nakaraan. Marurumi pa ang uniform ko. Mamaya pa ako maglalaba."

"O sya paano? Uwi na ako sa dorm?"

"Sige."

Lunes, magtatanghali na. Hindi parin bumabalik ng dorm si Maria. Sinubukan ko mag missed call.

"Sorry, your balance is not enough to make this call. Please reload your phone immediately."

Wala na akong load pang missed call. Kaya itinext ko nalamang si Maria.

"Oi, nsan n u?"

"Nsa bhay p me. Hndi me nkapaglaba ng dmit khapon dhil ala ng tubig. ***** plang me ngla2ba."

Natapos ang araw. Medyo nakakapagod. Ang lalayo kasi ng mga building namin. Pagdating sadorm,nagpahing na ako. Mahaba ang tulog ko noong araw na iyon. Marahil nga ay dahil sa pagod.

Miyerkoles, September 25, 2002, 9: 23 A.M.

Ngayon ang araw ng paguwi nilalola mula sa U.S. siguradong may pasalubong kaming stateside. Etorin ang araw na nagpagimbal sa akin.

Ang Liham.Where stories live. Discover now