KABANATA XVII

4.8K 75 33
                                    

KABANATA XVII

Claudia's POV: 

Lumipas ang mga araw, February na at bukas na yung prom namin. Valentines Day din bukas. Parating trip ng school namin ang ipagsabay ang prom at saka V-day. 

Alam niyo ba.. Hanggang ngayon, WALA PA RING NAG IINVITE SAAKIN MAGING PARTNER NILA SA PROM! Seriously. May mga nag c-crush naman saakin sa batch namin at yung mga iba eh nanligligaw saakin dati pero di talaga ako nila ininvite! 

Amp. Ewan ko. Masyado ata kasi ako naging assuming kaya walang nag invite saakin? 

So solo flight ako bukas sa prom! Amp talaga. Nakakahiya naman yun. Iisipin ng mga iba eh wala man lang talaga saakin nag invite. Which is true! 

Bakit kaya? 

Wala ba talagang interesado na maging partner ako sa prom? 

Am I that boring? 

Bigla namang tumunog yung phone ko. May nag text. Si Christian. 

'May partner ka na sa prom?' 

For the first time, may nagtanong saakin ng tanong na yan. Kasi.. Wala man lang talaga nag care kung may partner na ba ako or wala pa rin! Wala talaga nagtanong. 

'Wala pa eh.' I replied kahit nakakahiya. 

'Partner tayo?' 

Nagulat ako. 'Akala ko ba yung nililigawan mo ngayon ang partner mo?' 

 

'Nag yes na siya sa iba eh.  Naunahan ako :( Sige.. Kung ayaw mo din, wag nalang. Solo flight nalang ako bukas.' 

Natawa naman ako. Same kami ng drama! Haha. 

Well, andito naman si Christian at nag a-ask saakin.. so might as well say yes na diba? 

'Sige.. Partner na tayo.' 

 

 'Wow! Yun oh! Thanks Clau! I'll pick you up at 7 pm okay? Sleep ka na. Goodnight.' 

 

'Okay~ Thanks and Goodnight din.' 

I guess it's not bad naman kung magpartner kami diba? We're friends and kinda close. And we're not awkward kahit nanliligaw siya saakin dati. In fact, may nililigawan na siya ulit ngayon and boto ako sakanilang dalawa. 

*sigh* 

Si Tyler kaya? Sino kaya ininvite at partner niya? 

Di na kami close. Well, what do I expect pagkatapos nung mga nangyari saamin. Haay. Nag-uusap kami pero school related stuffs lang. 

Kung Ako Nalang Sana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon