KABANATA VIII

3.9K 72 3
                                    

Author's Note: Dedicated to her kasi alam ko na isa siya sa mga nagbasa at nagtapos ng HLS *u* Salamat po talaga sa pagbabasa ng story na yun :D

KABANATA VIII

Pasukan na naman at 4th year na kami. 

Di na kami nag-uusap ni Tyler. Iniiwasan ko na din siya. Nagtampo kasi talaga ako nung sinabi niya na di niya kailangan ng bestfriend. Hay. I should give him space. Sobrang nasasaktan pa kasi siya. 

Pero ako? Nasasaktan din naman ako sa pagkawala ni Charissa ah? 

Hay. Bahala na nga yang si Tyler. 

"Hi Clauds!" bati saakin nung isa sa mga pumoporma saakin. Si Christian. 

"Hello!" 

"Sabay na tayo pumasok sa room?" 

"Sige." ngumiti lang ako sakanya. 

Grabe. Di ko akalain na 4th year na ako. Parang nung simula nung pagkwento ko sainyo eh 2nd year palang ako diba? Ang bilis talaga ng mga pangyayari. 

Na mimiss ko na talaga si Charissa. 

Hay. Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko nalang. 

Pumasok na kami ng classroom at tinukso kami ng mga classmates namin. 

"Uyy! Si Christian oh! Dumadamoves!" sabi nung isa naming classmate, si Philip. 

Binatukan lang siya ni Christian kaya natawa naman kami. 

Deretso lang ako umupo sa seat ko. 

Well, Sanay na ako sa tuwing tinutukso ako sa ibang lalaki. 

Hindi lang naman si Christian eh.. Pati si Carlo nga, galing ibang section. pumoporma din yun saakin kaya tinutukso din nila kami. 

I'm not a playgirl or anything okay? Siguro.. Kilala lang talaga ako sa school na to bilang habulin ng mga lalake. Char! Sa ganda ko ba namang ito. Wahahaha. Joke lang! 

Nag ring na yung bell at pumasok na yung adviser namin. 

"Class, Magkakaroon tayo ng bagong seating arrangement."

Maraming nag react sa sinabi ni ma'am.

"Ma'am! Okay na kami dito sa seating arrangement namin." -Classmate number 1. 

"Opo nga ma'am!" -Classmate number 2

"Wag niyo na kaming ilipat ma'am!" -Classmate number 3

"No Class! Sa ayaw at gusto niyo magkakaroon tayo ng bagong seating arrangement." sabi ni Ma'am Ocampo. Adviser namin. 

Nag pout lang yung iba naming mga classmates. 

Ngumiti lang ako. Ang cu-cute nila! Para seating arrangment lang eh. 

Wala namang problema saakin na magkaroon ng bagong seating arrangement. Okay din naman kahit wag na. 

Mabait kasi tong katabi ko eh. Si Helen. Top 2 yan ng class namin! Ako top 1. Wahahaha. Seryoso! Kakagulat noh? Dati puro pag-ibig nasa utak ko. Yun pala may ibubuga din pala akong katalinuhan. Lol. 

Inayos na namin yung mga gamit namin dahil nga ililipat yung mga seat namin. 

"Seatmate! Ma mimiss kita." natatawang sabi saakin ni Helen. 

Tumawa din ako. "Ma mimiss din kita! My Tears!" then umarte ako na pinunasan ko yung gilid ng mga mata ko. 

Tumawa din yung mga nakakita saakin sa pag-arte ko. 

"Hoy kayong dalawa! Ang O-OA niyo!" natatawang sabi saamin ni Jade. 

"Sus! Selos ka lang eh!" asar ko sakanya. Bestfriend kasi niya si Helen eh. 

Nag tongue out lang saakin si Jade. 

Hay. Mas nakikipag interact na ako ngayon sa mga ibang classmates namin. Dati kasi yung mga ka close ko lang talaga ay sina Charissa and Tyler eh. 

*sigh* 

I miss them both. 

Lalo na si Charissa. 

Nagsimula na kaming ilipat ng seat ni Ms. Ocampo. 

"Salvador. Dun ka sa may gilid sa 3rd row." 

Nag nod ako kay ma'am then umupo na kung saan yung sinabi niyang seat. Wala pa din akong katabi. 

Busy lang ako sa pag-aayos ng gamit ko habang si Ma'am Ocampo eh patuloy sa paglilipat sa seats namin.. pero natigilan ako nung narinig kong sinabi ni Ma'am na.. 

"Guevarra, Please sit beside Ms. Salvador." 

Kung Ako Nalang Sana [Completed]Where stories live. Discover now