KABANATA XV

4.1K 67 6
                                    

KABANATA XV

Tyler's POV: 

"I'm Sorry..." 

Di niya ako niyakap pabalik. Isinubsob niya lang sa dibdib ko yung ulo niya. 

Narinig ko na humihikbi siya. Mas hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sakanya. 

Nasasaktan ako dahil umiiyak siya. At mas nasasaktan ako dahil alam kong ako ang dahilan ng mga luha niya. Sobrang nasasaktan ako. Pero alam kong wala pa itong nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman niyang sakit dati habang cinocomfort ako. 

"I'm Really Sorry.." 

Mas naguilty ako. Dahil kapag umiiyak ako at nasasaktan ng dahil kay Charissa, Siya ang nandiyan para yakapin at i comfort ako.. 

Pero ako.. Wala man lang ako magawa para sakanya sa mga panahon na umiiyak at nasasaktan siya ng dahil saakin. 

"I'm Sorry Claudia.." 

 

Wala man lang akong magawa kundi ang mag sorry sakanya ng paulit-ulit dahil sa mga sakit na ibinigay ko sakanya. 

I am such a jerk. 

Hinuhugod ko lang yung likod niya habang patuloy siya sa pag-iyak. 

Kahit nasasaktan ako nakikita siyang ganito, pakiramdam ko eh ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Ilang minutes din kami nasa ganung posisyon. 

Tinulak niya ako. Umiwas siya ng tingin at pinunasan yung mukha niya. 

Naglakad na siya ulit. Nilampasan niya lang ako.

Nilingon ko siya. "Claudia.." 

Huminto siya pero nakatalikod pa rin saakin. "Stay Away From Me." 

Nanghina ako sa sinabi niya. 

She hates me now. 

Lumabas na siya at iniwan niya lang ako mag-isa dun. 

Napaupo ako sa chair at sinabunot yung buhok ko ng dahil sa sobrang inis sa sarili ko. 

"Argh." 

Sinipa ko pa yung table na nasa harapan ko. 

** 

Lumipas ang araw at hindi pa rin niya ako pinapansin at kinakausap. 

Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko para sakanya. 

Ni hindi na nga ako makatulog eh. 

Kung Ako Nalang Sana [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن