Talk 27

448 18 0
                                    

03-31-19
11:11 p.m.

Mr. Bot:
Q: What do chemists call a benzene
ring with iron atoms replacing the
carbon atoms?
A: A ferrous wheel!

Stranger:
MR. BOOOOOOT
I have a funny story to tell
Mas funny pa sa mga jokes mo
Pramis 😂

11:17 p.m.

Stranger:
Nahalata na kasi ako ng roommate
ko rito sa dorm na every night na
lang daw ako nasa harap ng laptop
ko tapos nag-conclude na agad siya
na ka-chat ko yung boyfriend ko

11:19 p.m.

Stranger:
Well, she didn't know kasi na may
boyfriend naman talaga ako dati na
ngayon ay ex ko na
Bukod kasi sa best friend ko, ikaw
lang nakakaalam ng bagay na 'yon

11:23 p.m.

Stranger:
So yon na nga
Dahil nakakahalata na nga siya, nagdahilan na lang ako
Sabi ko, nagsusulat kasi ako which
is half true naman
Kung di mo kasi natatanong, online
writer kasi ako
At bago naman talaga kita kausapin
ay nagsusulat ako

11:32 p.m.

Stranger:
Nung una, benta naman sa kanya
Pero Mr. Bot... kagabi right after nating mag-usap

Ay mali
Right after kitang kausapin
Nahuli niya ako

11:35 p.m.

Stranger:
Ayoko kasing may makaalam na meron akong account dito sa
Talk To Strangers
Nakakahiya!
Hindi ko nga sinabi sa best friend ko na nag-try ako nito eh

11:37 p.m.

Stranger:
Kaya nung nahuli niya ko, parang
gusto ko na lang magpakain sa lupa
sa sobrang kahihiyan
Plus super asar pa siya sa akin
at halos mamatay na sa kakatawa

11:40 p.m.

Stranger:
Kaya naman no choice ako kundi
ang magkwento na lang sa kanya
Kinuwento ko lahat-lahat
From the start at...
Medyo pinabasa ko rin yung convo
natin
Na ako lang naman ang nakikipag-usap dahil wala kang
ibang alam gawin kundi ang mag-send ng jokes

11:45 p.m.

Stranger:
At after non, may sinabi siya sa akin about this site
Sabi niya... wala raw mga bots dito

11:48 p.m.

Stranger:
So, Mr. Bot, hindi ka talaga isang "bot"?

Talk to StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon