" TANG INA! NAS'AN NA BA 'YONG GAGONG 'YON!? " Sigaw ni Emmanuel.

" HOY BAD WORDS! " Sigaw ni Ma'am Bly pabalik kay Emmanuel. Alam niya rin ang nangyari dahil sinabi namin sakaniya.

" Tangina, nasuntok pa ako ng wala sa oras. " Pangrereklamo nung kamag-anak ni Praise na sumama kay Emmanuel bilang back-up sa magaganap kunong suntukan na wala namang napala.

Tawa naman ng tawa si Jian, hindi na niya talaga mapigilan.

" BOBO MO HAHAHHAHA. " Sigaw ni Jian sabay hagalpak ulit. " Ako si Alchemy , tanga! " Pag-amin niya na.

Nakita naman namin na nag-init lalo ang ulo ni Emmanuel.

" Hayop ka Jian, pinagod mo 'ko!" Sabi ni Emmanuel at hindi malapitan si Jian dahil harang namin ni Praise. At si gunggong tawang tawa parin.

" Pero si Alchemy talaga siya. " Sabay turo ni Praise at tumuro din si Jian sa'ken.

Natameme naman si Emmanuel.

" Mangpapahamak ka pa ng babae." Dagdag ni Praise. " Napakainitin ng ulo mo, hahaha. "

" Hi, I'm Alchemy Akihito. Basagan mo na ako ng mukha. " Naka Evil smile ko sakaniya. " Gamit lang ni Jian account ko n'ong manghahamon ka ng suntukan."

" Fvck."

" Busted ka na agad, 'tol! " Pang-aasar ni Leigh. Mukha naman tapos na tumawa si Jian dahil hindi ko na naririnig 'yong nakakapangdala niyang tawa.

'Yong sinabi ni Leigh na busted na agad si Emmanuel, may gusto kase si Emmanuel sa'ken, nalaman ko 'yon gawa ni Saunier. Nabubuksan niya kase ang account ni Jaron at may GC sina Jaron na sila sila lang nina Praise, Jian at Emmanuel.

Pinag-aagawan ' daw ' ako ni Jian at Emmanuel. Gan'on.

Uwian na at tapos na ang party. Kasama ko naman sina Aiken at ang iba pa niyang kabarkada na lalaki na uuwi sa bahay upang mag-inuman daw sila.






Ang sakit mag-expect.

Wala kaseng naganap na iba sa Christmas Party kundi ang sayaw namin, exchange of gifts na ang nakabunot sa'ken ay si Jian, sa loob ng 3 years ko sa Danforth, siya at siya lang talaga nakabunot sa'ken.

'Yong pang-uuto kay Emmanuel, 'yong mala-cannibal kung kumain ang Grade 9 dahil sa ang tatakaw nila na akala mo mauubusan sila ng pagkain. Bukod d'on wala na. Walang Alton na naganap!

Palabas na kami ng school ng makita kong palabas na din sina Alton. Sama sama silang magk-klase.

" Sama ka, Alton? " Yaya ni Aiken sakaniya.

" Aalis ako, eh." Sagot nito.






Pumasok na kami sa loob ng bahay dala dala ang mga itinabi nilang pagkain na dapat sa Party. Dito sa bahay nila chinibog lahat.

Hinayaan ko na lang sila sa ginawa nila at nag-focus ako sa pag-iinternet. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko.

Sabi ko naman sa'yo 'wag kang mag-expect, eh. Ayan, ang bigar ng pakiramdam mo ngayon.

Napagdesisyunan ko na lang na mag-upload ng mga pictures n'ong party sa facebook at ng matapos ko I-upload nakita ko naman 'yong post ni Ma'am Juels.

Mga pictures nina Alton at ng klase niya.

May isa pang tumambad sa newsfeed ko na nakahiwalay d'on sa post ni Ma'am Juels. 'Di ko alam pero biglang nalungkot ako.

Joke lang ba 'yong pagpapaalam niyang 'yon? Joke lang ba na gusto niya ako? Joke lang ba lahat? Dapat 'di na lang talaga ako nag-expect.

Picture ni Alton kasama si Mylar, binasa ko ang caption ng picture. 


" Muling ibalik."

#11CodesGAMEOVER

190201

===========

Follow me on my Twitter Account: @amimarisame

Like my facebook page: @amimarisame

Follow me on Instagram: @amimarisame

for more updates about the story!

Ask me on my Curious cat @amimarisame about the story!

Thank you for supporting 11 Codes: GAME OVER! Godbless you all and stay hydrated! ^^ 

11 Codes: GAME OVERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ