Nagkatinginan naman kami nina Jian at Praise, mga katabi ko sila na alam ang nangyayari.
Nakita na namin na umalis na si Emmanuel at may mga back-up pang kasama.
" Puta, anong gagawin ko? " Natatawang tanong ko sakanilang dalawa.
" Hayaan mo lang. " Sagot naman ni Praise.
" Aba sabihin n'on nasaan si Alchemy ba't wala sa court? " Sagot ko kay Praise.
" Putang ina mo kang Alchemy ka, mababasag ko talaga mukha mong mayabang ka." Nakita kong chat ni Emmanuel sa PEN PINEAPPLE. Nakita naman 'yon ni Praise at pinakita ko kay Jian.
" Jian, ikaw na nga mag-reply." Ini-abot ko sakaniya 'yong phone ko at pinanood ko na lang siya kung ano ang ire-reply niya kay Emmanuel.
" TANGINA MO NANDITO NA AKO SA COURT! ASAN KA DUWAG! "
" Pumunta talaga siya d'on? " Sambit ni Praise. Hagalpak naman sa tawa 'tong si Jian, pati ako nadadala.
Maya maya ay nandito na sa classroom si Emmanuel at galit na galit.
" Nakita mo? Ang tangkad n'on , eh. " Tanong ni Praise ng makapasok na si Emmanuel.
" PUTA, WALA NAMAN D'ON. DUWAG! ANO BA 'ITSURA N'ON? " Halata paring galit na galit si Emmanuel.
" Pogi. " Pataas taas kilay na sambit ni Jian. " Talong talo ka na d'on, mukha pa lang. "
Palihim naman akong nagpipigil ng tawa sa sinabi ni Jian.
" Matangkad sya. " Sagot naman ni Praise at sumulyap sa'ken.
Tang ina ng lalaking 'to, kabaliktaran, eh.
Sinilip ko naman si Jian sa tina-type niya sa phone ko. " Asan ka? Duwag ka pala e, sabi kong nasa court ako. " chat niya sa PEN PINEAPPLE.
" Emmanuel, nag-chat si Alchemy, Sa'n ka daw? Nag-aantay siya." Sabi ni Praise ng makita niya 'yong chat ni Jian sa PEN PINEAPPLE.
" Pucha! Wala naman akong nakita d'on! " Sabi ni Emmanuel. Tinignan naman namin si Leigh, alam niya din kase na inu-uto lang namin si Emmanuel. Binibigyan namin siya ng titig na papuntahin ulit sa court si Emmanuel.
" Ah, matangkad diba? Tanga, nakita ko 'yon! " Salita ni Leigh.
" Ba't hindi ko nakita? " tanong naman ni Emmanuel sakaniya.
" Bulag ka kase, bobo. " Sagot ni Leigh sakaniya. Tumayo naman si Emmanuel.
" Tara samahan mo ulit ako, gustong gusto ko na talaga basagin mukha ng lalaking 'yon. " Yaya ulit ni Emmanuel kay Leigh. " Tignan mo sinasabihan niya na akong duwag! Lintek na, makakatikim talaga sa'kin 'to. "
Napatingin naman ako sa chat ni Jian sa GC.
" Sa'n ka na inutil? "
" Ano naihi ka na ba sa takot? "
" HAHAHHA wala ka pala eh. "
" Call your mommy na, mama's boi! "
Napangiwi ako sa pang-aasar ni Jian sa GC gamit ang dum account ko. Nakita ko naman na halatang gigil na gigil na si Emmanuel sa nabasa niya.
" Ikaw na lang, dadamay mo pa ako dyan! Nakakapagod ha!" Pagtanggi ni Leigh sa yaya ni Emmanuel. Kaya naman nagyaya ng iba si Emmanuel at umalis ulit.
Nang maramdaman naming tama na ang pang-uuto kay Emmanuel dahil sa pabalik balik na siya sa court at school. Eh, medyo malayo ang court sa school, napag-isipan namin na sabihin na ang totoo pagkadating niya.
YOU ARE READING
11 Codes: GAME OVER
RomanceI'm not allowed to tell you this... So I'm going to tell it to you in a different way... 11 Codes: GAME OVER... Please answer it...
Code 9
Start from the beginning
