Chapter 36: Truth or Dare

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit ba? Kumakanta lang ako dito nag-aalburoto ka na dyan."

"Bakit ba kasi 'yan ang kinakanta mo? Naririndi na ako!"

"Ito kaya kakantahin namin ni Yannie sa isang araw. Pinili ng girls to, e. Ayos ba?" Pangiti ngiti pa 'to. I-untog ko kaya siya sa manibela.

Hindi pa rin siya nagpatinag at paulit-ulit pa rin ang kinakanta niya hanggang sa makarating kami kila Ken. Pagsakay nga ni Ken ay agad niyang napansin si Xander.

"Kanina pa ba yan?" tanong niya sa akin kaya tumango ako. "Buti napagtyagaan mo."

"Anong napagtyagaan? Konti na nga lang ilalaglag ko na sa kotse 'yan, e," sabi ko at pinaandar na ulit ang kotse. Pero dahil sa hindi pa rin tumitigil sa pagkanta si Xander ay bigla akong nagbreak.

"Gago ka, Ice! Umayos ka nga nang pagdadrive," reklamo ni Xander.

Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin. "Lumayas ka lang dyan. Doon ka na lang sa likod kumanta nang kumanta."

"Sungit. Oo na. Lilipat na ko. Si Ken na lang kakantahan ko du'n."

"Hoy, hoy! Anong ako? Asa ka pa. Lilipat ako dyan sa harap. Layas!" At natahimik na lang si Xander sandali pero maya maya ay kumakanta na naman siya. Hay.

Nang makarating kami kila Josh ay saktong tumunog ang phone ni Ken.

"Si Sab," sabi nya. "Mukhang mamomove ang practice. 3hrs to go pa pala."

Bigla namang bumukas 'yung isang pinto sa kotse at pumasok si Josh. May dala pang drum sticks at pinalo palo yung upuan ng kotse ko.

"Game. Let's go!"

"Let's go mo mukha mo. Nagtext si Sab kay Ken. Maya maya pa raw practice," sabi ni Xander.

Kinuha naman ni Josh 'yung phone niya sa bulsa niya at chineck 'yun. "Ang daya naman. Bakit ikaw lang tinext? Dapat kaming tatlo din. Napaghahalata tuloy. May favoritism talaga 'yung babaeng 'yun. Tsk. Sandali nga. Matawagan."

Ni-loud speaker niya pa ang phone niya at biglang sinigawan si Sab nang sagutin niya ang tawag.

"Hello!" sigaw ni Josh.

"Bakit ba?"

"Bakit si Ken lang 'yun tinext mo?! Napaghahalata kung sino ang crush mo sa aming apat, ha! Madaya ka talaga!" Parang bata 'tong si Josh.

"Hoy OA na Bakulaw! Tumahimik ka nga lang dyan. Makapagreact ka! Crush crush ka pang nalalaman! Hindi naman ako nagtext nun! Nakitext lang si Ayu sa akin!"

"Hoo. Oo na lang! Teka nga! Bakit ba minove niyo?! Ayos na kami, e! Game na! Huwag na maarte!"

"Shut up! May bisita kami dito! Sasaglit dito daddy ni Ayu! Kaya matuto kang maghintay dyan! Bye!"

"Hoy! Teka – aba't binabaan ako ng phone. Kainis! Paano na 'yan? Saan na tayo pupunta ngayon? Three hrs pa! Alangan namang magsiuwi pa tayo sa mga bahay natin. Sayang lang sa gas."

Nababaliw na talaga 'to. Binatukan nga siya ni Xander, "Tanga! Hindi pa tayo umaandar! Nandito pa tayo sa inyo. Bahala ka nga dyan. Papasok na lang kami sa loob!"


***

Hawak ni Ken ang gitara ni Josh at nagstrastrum lang. Si Xander naman naglalaptop. Kami naman ni Josh ay nakahiga lang sa kama. Maya maya ay bigla na lang kumanta si Ken.

♫ Bakit kaya mapagbiro ang tadhana?

Bakit kaya pagdating niyo ay sabay pa?

Pareho ko kayong gusto, isa lang aking puso

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon