Chapter 19. Hello

1.9K 50 1
                                    

Hikab. Nanatili akong nakabaon sa comforter ng kama ko. Tulala sa puting kisame. Oo sa condo ko. Halos dalawang linggo na mula nang huling magkita kami ni Amber. kaylangan kong pagdaanan ang kalbaryo sa paghihintay bago siya makauwi ng Pinas.

Wala pa siyang binanggit sa akin nang huli kaming mag skype kung kelan siya uuwi. Basta ang sabi niya ay malapit na.

Bumangon ako sa kama at inayos ang buhok ko. Dumiretso ako sa cr para maghilamos at magsipilyo.

Humihikab akong lumabas ng kwarto at nagkakamot pa ng tiyan. Laking pagtataka ko ng makita ang mga maleta sa sala. Mga pamilyar na maleta.

Naputol ang paghikab ko at nagugulumihanang nilapitan ang dalawang malaking maleta na kulay itim at pula. May sticker sa handle.

Amber Gray.

“Ehh?” nagsalubong ang mga kilay ko. Napadako tuloy ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko. Napakagat ako sa daliri ko. Imposible!

Dahan dahan ay binuksan ko ang pintuan at sinilip ang kama ko. May maumbok sa ilalim ng duvet.

Tahimik akong lumapit sa gilid ng kama at unti unting inangat ang duvet. Ang himbing ng tulog niya. Napangiti ako at naupo sa sahig tapat niya. “Goodmorning angel!” bulong ko sa sarili ko sabay hawi sa mga buhok na nagsilaglagan sa mukha niya.

Umungol siya ng bahagya at unti unti ay nagmulat siya ng mata. “Hey.” Bati niya at ngumiti sa akin.

“Di ka man lang nagsabi na uuwi ka, nasundo sana kita. Saka pano ka nakapasok sa unit natin?” napangiti ako sa last word ko ‘natin’.

Tinuro niya yung bedside table at sinundan ko ng tingin. “Have you forgotten that you gave me a duplicate?” nanatili siyang nakadapa sa kama at di gumalaw liban sa daliri niya.

“Tulog ka muna okay? I’ll make you some breakfast.” Bago ako tumayo ay hinalikan ko siya sa noo.

Nagluto ako ng bacon at sausage at saka ako nagsangag ng kanin. Pinagtimpla ko din siya ng tea gaya ng lagi niyang iniinom. Pagtapos na masigurong ready na ang lahat ay bumalik ako sa kwarto pero di ko siya nadatnan sa kama. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa cr.

Tok tok.

“For a while!” sagot niya.

Nakalimutan ba niya na nasa maleta pa ang gamit niya? Lumabas ako para hilain papuntang kwarto ang mga gamit niya.

“Kuha ka nalang ng fresh towels sa rack babe!” sigaw ko sa pintuan ng cr.

“Yeah.”

Lumabas ako sa kusina para takpan muna ang mga pagkain para di mabilis lumamig. Saglit akong nag check ng mga e-mails ko ng maalala ko si Spike. Nagtext pala siya kagabi, niyayaya niya akong magbeach sa San Juan sa La Union. Gusto daw niyang magsurfing. Hindi pa ako sumasagot sa invitation niya.

She Is Amber GrayWhere stories live. Discover now