Chapter 5

5.7K 105 0
                                    

 Sumulyap ako sa wrist watch ko. 3:55pm na. malapit na ang uwian. Sa wakas, makakauwi na ako.

Pagpasok ko sa condo ay may pamilyar na tao na nakasalampak sa sofa at sa kabila naman ay si Amber.

“Avery? Anong ginagawa mo rito?” si Avery ay half brother ko. Mortal enemy ko siya. Never kaming nagkasundo kahit sa isang bagay.

Bagot na bagot siyang tumingin sa akin. “Dad said I’ll stay here for a week.” Ngumisi siya.

“No way!” its this a prank? Kumukulo ang dugo ko sa lalaking to. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Anak siya sa labas ni Dad pero siya pa ang mayabang. He’s a bum and a pain in the ass.

“May orientation ako bago matanggap sa mall.” Humihikab na sabi niya.

The nerve! I clinched my teeth. Napipikon na talaga ako. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Amber at hinihimas ang likod ko. “Relax, Kate.”

“May accomodation naman kayo sa orrientation ba’t dito ka pa pumunta?” gusto ko na siyang sipain palabas ng condo ko. I hate him to the bones!

----

Bumangon ako at padabog kong binuksan ang pinto ng kwarto at humantong sa sala.

“Avery! Ano ba! Nagrereview ako! Pwede ba patayin mo yang speakers mo! Distorbo.” Hinugot ko ang saksakan ng speaker at saka bumalik ako sa kwarto.

Pangalawang buwan ko na sa review center at pahirap ng pahirap tapos mas mambubulabog pang damuho sa comfort zone ko! Stressing me out!

Bumalik ako sa kwarto at bumalik sa pwesto ko bago ako binulabog ng walangihyang lalaki. Anong oras na ba? Sinulyapan ko ang orasan sa lamesa. 10pm na pala. May gana pa siyang mag ingay kahit gabing gabi na.

Tinapunan ko ng tingin si Amber. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa condo ko matapos niyang maayos ang papers niya. May dual citizenship daw siya, yun ang sabi niya. Nag tu twitter pa din siya. Kinuha ko ang phone sa kamay niya at inilapag iyon sa bedside table sa gawi ko. “Go to sleep, babe.” Humilig siya sa tagiliran ko at yumakap sa baywang ko. Nakasandal ako sa headboard.

Tiningala niya ako. Lumabi siya. “Im waiting for you babe.”

Napangiti ako sa facial expression niya. Tiningnan ko siya mula sa mga daliri niya sa paa hanggang sa sexy legs niya paakyat sa mukha niya. Mukha talaga siyang model sa hitsura niya. Nakahilig siya sa direksyon ko at nakatingala sa akin.

Binitiwan ko ang libro ko at saka umayos ng higa sa tabi niya. “How are you feeling?” hinawi ko ang buhok na naligaw sa mukha niya.

Wala siyang ganang kumain nitong mga nakaraang araw. Kaya nag aalala ako na baka manghina siya ngayon pang kelangan niyang magpalakas para sa medication niya.

Umuwi siya dito sa Pilipinas para magpasecond opinion. Tinanggihan na kasi siya ng mga doctor sa London dahil huli na raw. May mga lab test pa siyang dapat daanan at aabutin din iyon ng mga ilang buwan. Hindi iyon alam ng mga magulang nila. Itinaon lang niya na ipaayos sa kanya ng dad niya ang kanilang business venture sa Ilokos. Silang magkapatid lang ang nakakaalam ng mga pinaggagagawa ni Amber. Ilang beses ko na siyang kinukumbinsi na sabihin iyon sa mga magulang nila pero laging bigo, dead end.

She Is Amber GrayWhere stories live. Discover now