Bala

190 5 0
                                    

  I break my glance and a few moments, shots rang out. I look to where you stood and found you, laying on the asphalt, blood flowing out of you.

November 30, 2019
People Power Monument
Piglas - Bonifacio Day Mobilization


We were now gathered in the People Power Monument. We staged an Illegal Mobilization, lahat ng mobilization namin simula ng maibaba ang Martial Law ay hindi na pinahihintulutan ng gobyerno. The stages we had were in a truck parked in the place where we will hold our mobilizations. Sakaling may mangyaring bayolenteng dispersal. It was the same stage we have right now. Nasa harap kami ng stage sa ngayon, kasama ang pamilya ko at ang pamilya ni Denise. Hawak kamay kami ni Denise, nagchachant, kumakanta sa gitna ng libo-libong tao na kasama namin sa picket. Sa gilid ang libo-libong mga Metrocom, nag-aabang ng utos mula sa kanilang pinuno. Kung kailan kami ididisperse. Tinawag na sa entablado ang ama ni Denise. Masigabong palakpakan ang maririnig sa venue. Paghupa ng palakpakan nagsalita na si Tito Ernesto.

"Maraming Salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin sa entabladong ito. Binabati ko kayo ng magandang hapon. Una, hayaan niyo akong pasalamatan ang mga taong tumulong sa amin upang mahanap si Edwardo. Ang mga kapatid namin sa kilusang kinabibilangan ni Edwardo, ang nabuwag nang Komisyon ng Karpaatang Pantao at ang pamilya Cruz. Maraming Salamat sa inyo. Bagamat wala nang buhay nang siya ay matunton namin, nagpapasalamat kami sa Diyos at naka-uwi na siya." He paused and sighs as he looked straight ahead.

"Now that's out of the way, hayaan nyo akong ikwento kung gaano kabait na kapatid si Edwardo. Naalala ko nung kami ay bata pa, may nambully sa akin sa paaralan. Dahil ninakaw ng mga bully ang baon kong pera para sana makabili ng tanghalian, nang malaman ito ng nakakabatang kapatid kong si Edwardo, agad nyang ibinigay sa akin ang baon nyang piso. 'Kuya, sa'yo na lang itong baon ko. May pera pa naman ako eh.' sabi sa akin ni Edwardo. Nagulat naman ako kung bakit meron pa itong pera. Kaya tinanong ko ito kung bakit meron siyang sobrang pera gayong hindi naman sya binibigyan ng sobrang pera ng aming mga magulang. 'Kita ko yung iba sa pag-gawa ng assignment ng mga kaklase ko.' sagot nya sa akin. Doon ko nalaman na siya pala ang gumagawa ng english assignments ng mga kaklase nya at binabayaran siya ng diyes sentimo bawat assignment na nagagawa nya. Isa yan sa mga ala-ala ng mahal kong kapatid. Pero sa maagang edad, labag sa kagustuhan ng aming mga magulang, sumapi siya sa kilusan ng mga kabataang laban sa diktaturya. Ang huling araw na nagkasama kami, sinabihan ko siya na wag nang sumapi sa kilusan naalala ko ang sinabi nya sa akin. 'Kuya, ginagawa ko ito para sa kinabukasan ng mga pamangkin ko sa iyo, kay ate at kay bunso. Higit sa lahat para sa inang bayan.' Ilang taon din kami nanahimik. Ngayon, bilang isang hukom, nananawagan ako sa inyo na ipaglaban natin ang karapatang pantao natin. Wag tayong pumayag na masupil ng kasalukuyang rehimen! Wag na nating hayaan na mamatay pa ang ating mga ka-anak!" Sigaw ni Tito Ernesto.

I glanced at Denise who is now cheering for her father. I break my glance and clapped and cheered for Tito Ernesto. Maya-maya lamang nagkagulo ang mga tao sa gilid, nakadinig ako ng putok ng baril. Agad nagsi-takbuhan ang mga tao. Nilingon ko si Denise. Doon ko nakita ang duguan nyang katawan, nakahandusay sa lapag. Mabilis kong binuhat si Denise.

"Nay, Tay! Si Denise may tama!" Umiiyak ko nang sabi kela nanay. Habang nagkakagulo na ang mga tao, kanya-kanyang takbo sila. Buhat ko si Denise, tumakbo na din ako. Hindi ko alam kung nakasunod ba sila sa akin.

"Mahal ko, kapit lang! Malapit na tayo sa ospital." Pagaalo ko kay Denise.

Puro sigawan at iyakan ang nadidinig ko. I was looking at Denise, she was having a difficult time breathing. She smiled kahit na iniinda nya ang sakit. Tears fell down from my eyes. Mahigpit kong niyakap si Denise habang tumatakbo ako. I have never ran this fast in my life, bukod kasi sa hindi ko naman kailangan ito gawin, I was born with a weak lungs.

"Love, hayaan mo na ako. Magiging ok naman ako." Nadinig kong sabi ni Denise.

Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo, kahit hinahabol ko na ang paghinga ko.

"Love, mahina ang baga mo." Pagsusumamo ni Denise.

"Mahal ko, malapit na tayo sa ospital. Konti na lang."

I turned right and ran like a mad man, hindi ko alintana ang bigat ni Denise at ang mahina kong baga. I was fueled with anger and desperation. Iniisip ko hindi dapat mamatay si Denise. Magkakaron pa kami ng mga anak, magsasama pa kami ng matagal. Yan ang iniisip ko. I looked up the sky, it was beautiful and magnificent. I felt her wipe the tears from my eyes. Lovingly she wipes the tears that fell anew. She smiled weakly at me.

"Promise me, you'll wait for me Mahal ko." She said as she passed out.

It was the first time I heard her say Mahal Ko, lalong bumilis ang pagtakbo ko. Naaninag ko na ang Medical City, hindi ko alam kung paano ko kinayang tumakbo na buhat-buhat si Denise. Alam ko lang, pag nabuhay siya mula sa tama ng bala, pakakasalan ko na siya. Hindi na ako papayag na mawala pa siya sa akin.

Pagdating ko sa emergency room, agad namang tumugon ang mga nurse at doctor. Nagkakagulo sila na kinuha sa akin si Denise. Habang ang isang nurse ay inaasikaso ako at ang hingal na hingal kong paghinga. May tatlong kilometro din ang layo ng nasabing ospital sa People Power Monument.

A/N:

Apat na kapitulo na lang mga dear readers. 😂😂 Whew! Intense.

rastroheart, hiningal ka din ba? 😂 

Always spread light and love!

-Sky

2103: Martial Law (Love in Dark Times)Where stories live. Discover now