Stand-Offs

206 5 0
                                    

  Standing with our comrades, who is now fighting the reign of a reprobate dictator.

We stood up to fight for our beloved country, most days attending rallies. Ngayong linggo, lang kami hindi naka-attend ni Denise. Bukod kasi sa may exam pa siya, birthday na ni Tatay itong darating na Byernes. Nasa kwarto kami ni Jenny, nagpapractice para sa birthday ni Tatay.

"Etong piyesa na ito, kaya mo ba?" I asked Jenny.

"Kaya po Ate." Jenny said.

"Okay, himig ng pag-ibig by Asin. Pwede nating ibahin ang areglo, ako personal kong mas gusto yung ganitong areglo." I said as I strummed my guitar, it was a slow arrangement.

"Gets, Ate. Gusto ko din yung mabagal lang." She smiled.

She strums her guitar that I let her borrow. It was my first acoustic guitar that I bought out of my own money. I listened to her as she strums it, she smiles nervously as she sang the first line of the song. 

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin.

She sang the first stanza and I was in awe with her good voice. 

"Jenny, ang ganda pala ng boses mo!" I exclaimed at her.

"Ate, wag mo nga akong binobola." She laughed at me.

"Totoo naman. Sasabihan ko si Nanay na turuan ka." I told her.

We continued to practice her chosen piece, buong araw kaming nagkulong sa kwarto ko. By this time, I just finished my Masteral at the University. Habang si Denise naman ay naghihintay na lang na grumaduate at makapag-bar exam. Dahil sa pagpapalit ng dating rehimen sa K-12, namove ang graduation ng mga mag-aaral to June. Tapos na ang finals ni Denise, naipasa na din ang kanyang Thesis at naidefend na niya ito. She just needs to study for her upcoming bar exams.

"Salamat po, Ate Maling. Kundi dahil sa pagmamalasakit ninyo sa amin ni Jerick, sana nasa lansangan pa din kami." Jenny said.

"Oi, Jenny, wala yun. Mabuti na lang at mabait din kayo ni Jerick. Gusto mo bang mag-aral?" Tanong ko kay Jenny.

Her eyes lit up, pero bahagyang nawala ito.

"Bakit, Jenny?"

"Ate, parang hindi naman para sa akin ang buhay na yan. Wag na lang po." She said.

"Jenny, hindi pribilehiyo ang pag-aaral, isa itong karapatan na dapat sana ay ibinigay ng iyong mga magulang." I said to her.

"Salamat Ate." Sabay yakap naman ni Jenny sa akin.

"Magmula ngayon, parte ka na ng Pamilya Cruz, Ikaw na si Jenny Cruz at kapatid mo Si Jerick Cruz at Humaling Cruz. Hindi ko na kayo hahayaan ni Jerick na mag-isa sa lansangan." I said to her.

"Salamat Ate Maling." She said.

***Birthday ni Tatay Boy***

Busy kami ni Nanay, Jerick at Jenny sa paghahanda, umagang-umaga pa lang sinamahan ko na si Nanay sa Palengke upang mamili ng mga sangkap na kakailanganin para sa salo-salo namin mamaya. 3 PM magsisimula ang birthday ni Tatay. Pagtapos naming mananghalian, doon na kami nagluto ni Nanay. Ako, si Jenny at Jerick ang assistant ni Nanay. Nag-gagayad na kami ng mga ingredients ng biglang dumating ang Pamilya ni Denise.

2103: Martial Law (Love in Dark Times)Where stories live. Discover now