Kabanata 1: Dalawang Linggo Bago Mag Pasko

299 6 2
                                    

****

PROLOGUE

Malamig ang hangin. Abala ang mga tao sa pamimili ng regalo. Ang mga bahay may makukulay na disenyo ng Christmas lights at parol. Puro Christmas songs maririnig mo sa paligid at kaming mga estudyante, wala ng pasok. Ganito sa Pilipinas kapag buwan ng kapaskuhan. Masaya, oo. Pero eto yung pananaw namin, bago mangyari yung trahedya sa aming pamilya. Trahedya na babago sa aming pagtingin sa kapaskuhan.

Ako si Jayson Francisco, Nasa 1st Year Highschool. May dalawa akong kapatid, si kuya Peter at si Joshua. Sa Bible kinuha ni nanay yung pangalan nila, hindi ko alam saan kinuha yung sakin. Si kuya matalino, sa Manila Science sya nag-aaral, pangarap nya makapag-aral sa University of the Philipines. Si Joshua naman, si bunso, makulit tsaka iyakin, pero kame yung magka close, si kuya kase masyadong seryoso sa buhay.

Hindi kame mayaman pero masaya kame. Sa Pandacan kame nakatira, bahay ni tatay simula nung bata pa sya. Si tatay nga pala nasa Saudi, kaming apat lang ang nasa bahay. Si nanay naman pala sigaw kapag stressed pero palabiro din naman. Mahal namin sya. Marahil minsan ganun sya dahil sa mga bayarin, isa lamang syang masahista.

Simpleng pamilya. Simpleng buhay. Pero dati yun.

Bago ang nakakatakot na pangyayari.

****

"Peter! Jayson! Joshua! Gising! Kumain na kayo, lalamig sinaing." Sigaw ni Aling Lalaine sa mga anak na lalake. Dali daling bumaba ang tatlo. Binuksan ni Jayson ang TV at nilipat sa Naruto Shipuden. Si Peter naman, ang panganay sa magkakapatid, inilabas and kanyang chess board at ang bunso, si Joshua, akmang maglalaro ng Bey Blade. Natigilan silang tatlo ng nakita nilang pinandilatan sila ng kanilang ina at tila handa ng manermon.

Laging wala si Aling Lalaine sa kanilang bahay. May trabaho kase eto kahit Sabado at Linggo bilang masahista. Naiiwan sa tahanan ang tatlong magkakapatid. Gustong gusto nila kapag sila lang ang naiiwan. Pwedeng magpatugtog ng malakas, maglaro ng maingay at magkalat. Hindi rin uso sa kanila ang siesta pero pagdating ng kanilang ina, sinasabi nila natutulog sila sa tanghali.

"Peter ikaw na bahala dito, may mga pagkain sa ref. Basta ayoko may madadatnang pinggan sa lababo at ayokong magulo yung bahay. Magkasundo kayo ha, kapag nalaman kong nag-away nanaman kayo sa baranggay ko kayo dadalin." Ani Aling Lalaine bago pumasok sa trabaho. Pagkaalis ng kanilang ina, agad nagpatugtog si Peter ng malakas. Si Joshua naman nag labas ng mga laruan at tinawag si Maya, ang kalarong kapit bahay. Si Jayson, naglaro lang ng PSP.

"Sabi ko kay mama bumili ng Christmas tree, kayla Maya kase meron sila malaki, diba Maya?" Sabi ni Joshua, tango naman ng kalaro.

"Kalat lang yan dito. Pampa sikip." Sabi ng naiiritang si Peter. "Sino pa ba bubuo nun, syempre ako."

"Kapag pasko dapat may Christmas tree." Litanya ni Jayson na tatawa tawa at tinapik ang bunsong kapatid. "Sana malaki bilin ni mama." Sabay bulong kay Joshua.

Simpleng araw, simpleng buhay sa Francisco Residence.

ITUTULOY...

Author's Note: Maraming Salamat Po Sa Pagbabasa!

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Sa Likod Ng Christmas TreeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant