Kabanata 4: Nababaliw Na Ba Ako?

158 5 0
                                    

****

Nasa mall si Peter, Jayson at Joshua. Binigyan sila ng kaunting pera ni Aling Lalaine para bumili ng bagong gamit sa pasko. Hindi na sya sumama, may at-home service massage kase sya ngayon. Hindi naman kalayuan ang mall sa bahay nila.

"May bibilin paba kayo?" tanong ni Peter.

"Ako wala na. Naubos ko na budget ko." Sagot ni Jayson.

"Ako din okay na, nagugutom na ko kuya, kain na tayo." Reklamo ni Joshua na naka kunot ang noo.

"Punta na tayo sa foodcourt." Pag-aaya ni Peter.

Pagka baba nila sa foodcourt, pumili na sila ng pagbibilhan ng pagkain habang bitbit ang mga pinamili. Buti na lng nakahanap agad sila ng upuan.

"Dito na tayo umupo kuya, mas malamig dito. Naka tapat yung aircon." Sabi ni Jayson.

"Sige. Order na 'ko." Sagot ni Peter.

Naiwan sa lamesa si Jayson at Joshua.

"Kuya Jayson, yung Ben 10 na rubber shoes talaga gusto ko." Sabi ni Joshua na tinitignan ang binili nyang sapatos.

"Eh wala sila dito nun. Sabihin mo na lng kay mama ipabili ka nun kay papa. Maganda naman yang binili mo." Sagot ni Jayson sabay tinignan ang kanyang cellphone.

"Kuya... 'lam mo, nanaginip din ako ng bad. Wag mo sabihin kay Kuya Peter, sabihin nun duwag ako." Sabi ni Joshua na kitang natatakot. "Nanaginip ako, yung..." Natigilan si Joshua. Bakas sa mukha nya ang pag-iisip at pangangamba.

"Sige tuloy mo, 'di ko sasabihin kay Kuya." Nag-aalalang si Jayson.

"Parang totoo kase yung panaginip ko. Nakakatakot. Nanaginip ako... Yung ano kase... Yung Christmas tree kuya... May lumabas na mumu... Kulay itim, malaki. Tumatalon sya tapos tumatawa. Tapos gusto 'ko kunin... Pinigilan sya nung mga pusa... Mga pusa na parang tao... Sabi nila sila daw yung nagbabantay dun... Wag daw sila aalisin!"

Napa buntong hininga si Jayson. Hindi sya makapag salita. Kinilabutan sya sa panaginip ng kapatid. Halintulad ito sa kanyang panaginip. Hindi sya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Gu.... Gusto kang kunin?" Tanong ni Jayson, tumango si Joshua. "Sinabi ba sayo Joshua kung bakit?" Umiling ang kapatid. "Yung pusa, diba sabi wag silang aalisin? Nasan ba sila?" Tanong ni Jayson na nababahala.

"Hindi ko alam kuya, basta lumabas sila sa dilim." Sabi ni Joshua na naluluha na.

Naalala ni Jayson ang mga tansong pusang palamuti ng Christmas tree.

Yun siguro sila...

Nag-iisip sya kung sasabihin ba ito kay Peter o hindi. Natatakot sya na baka walang maniwala sa kanya. Minarapat nya na sabihin kay Peter ito at ipinaliwanag nalang kay Joshua.

****

"Jayson susumbong kita kay mama ha, tinatakot mo si Joshua. Imbis na sabihin mo sa kanya na panaginip lang yun nakisawsaw ka pa. Susumbong talaga kita." Sabi ni Peter na naiinis sa kay Jayson.

Nakauwi na ang tatlo. Si Aling Lalaine, hinahanda ang mga baso, bumili ito ng ice cream. Kinuwento ni Jayson ang lahat kay Peter, ngunit hindi sya pinaniwalaan.

"Anu yang naririnig ko, nag-aaway kyo?" Paninigaw ni Aling Lalaine.

"Ay nako mama, pasaway 'tong si Jayson, tinakot si Joshua, ayaw tuloy lumapit sa Christmas tree. Naiihi sa takot. Praning 'tong si Jayson."

Sa Likod Ng Christmas TreeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang