Kabanata 6: Ang Halimaw

147 4 1
                                    

****

Hindi makapaniwala si Jayson sa kanyang nakita. Lubos akala nyang itinapon na ang puno. At ang nagpabahala sa kanya ay ang mga tansong pusa na palamuti ay hindi na nakasabit. Pakiwari nya'y ito ang nagsisilbing proteksyon upang hindi makalabas ang halimaw. Tinawag ni Jayson si Peter na may halong takot at galit. Narinig ng kapatid ang kanyang sigaw, dali-dali itong bumaba.

"Bakit nandito yung Christmas tree?! Sabi mo itinapon nyo na?! At yung mga tansong pusa, nasan na?!" Pagalit na sigaw ni Jayson.

"Nanghihinayang si mama, bibilin daw kase ng ka opisina nya, alam mo naman gipit tayo, wala pang padala si papa!" Paliwanag ni Peter.

Napaluhod si Jayson ng bigla nyang naalala ang katok sa pinto kanina lang. Ang pagtugma ng panaginip nila ni Joshua, ang paghila sa kanyang paa at higit sa lahat, ang pagkagat sa kanyang daliri na halos maputol na. Tumulo ang kanyang mga luha. "Kuya... Nasan yung mga pusa?.. Sila yung tagapagbantay ng halimaw..." Nawawalan na ng pag-asa si Jayson.

"Tinapon ni mama... Yun kase yung ginamit mo para sugatan yung sarili mo..." Mahinahon na sagot ni Peter. Umaasang maiintindihan ng kapatid na ito'y para sa kabutihan nya.

Tumakbo si Jayson palabas, dali-dali'y itinumba nya ang basurahan. Pinunit nya ang black plastig bag at kinalkal ang basura, umaasang mahahanap nya ang mga tansong pusa.

"Jayson, anung ginagawa mo?! Baka masugatan ka sa mga delata!" Pag-aalala ni Peter. Sa di kalayuan ay natanaw ni Peter na naglalakad pauwi si Aling Lalaine. Nakita ni Aling Lalaine ang pagkalkal sa basura ni Jayson at dali-daling tumakbo sa mga anak.

"Anung nangyayari?! Jayson anung ginagawa mo?!" Sigaw ni Aling Lalaine.

"Nagsinungaling kayo sakin mama! Sabi nyo tinapon nyo na yung Christmas tree! Nasa bodega lang pala! Tapos yung tansong pusa, tinanggal nyo! Proteksyon natin yun!" Iyak ni Jayson sa ina.

Huminga ng malalim si Aling Lalaine at luminga linga sa mga kapitbahay. "Wala na yung mga tansong pusa anak... Pumasok na tayo sa loob... Gabi na matulog na kayo, tama na 'to..." Pagmamakaawa ni Aling Lalaine na umaasang magiging kalmado ang anak.

Tumakbo si Jayson papasok ng bahay papunta sa bodega. Ilalabas nya ang Christmas tree ngunit pinigilan sya ni Peter.

"Jayson nababaliw ka na ba? Puno lang yan! Kung anu anong pumapasok sa kukote mo! Maawa ka kay Joshua, natatakot! Si mama hindi na alam kung anung gagawin sayo! Napahiya na tayo sa mga kapitbahay! Kung si papa nandito ginulpi kana!" Sigaw ni Peter.

"Bitawan mo ko Kuya, ilalabas ko ng bahay yung puno! Susunugin ko! Delikado tayo!" Pumiglas si Jayson kay Peter ngunit hawak nito ang kanyang mga braso.

Si Aling Lalaine ay niyakap ang bunsong anak na si Joshua na ngayon ay umiiyak. Nagawa ni Jayson na pumiglas kay Peter, tumakbo ito pa papunta sa bodega, mabigat man ngunit pinilit nyang ilabas ang Christmas tree. Lalong lumakas ang iyak ni Joshua ng makita ito na ngayon ay mukha ng isang tunay na pinamamahayan ng halimaw. May mga sapot ito ng gagamba na nakuha sa bodega.

Natigilan si Jayson. Napaluhod sya at hinabol ang kanyang hininga. Hinihika na 'ko. Masyadong mabigat ang puno. Pakiwari nya'y adrenaline lang ang tumulong sa kanya upang mailabas ito. Nilapitan siya ni Aling Lalaine at Peter. Si Peter ay hinawakan sya sa braso na tila ba hahatakin sya palayo. Natatakot ito dahil inaakala nilang mag se self harm si Jayson. Pumiglas ang kapatid sa kanyang pagkakahawak.

"Bakit ayaw nyong maniwala?! Hindi ako nagsisinungaling!" Sigaw ni Jayson. Tumutulo ang kanyang luha, hinahabol ang kanyang hininga. Halos mawalan na siya ng boses sa patuloy na pagpapaliwanag. "Nasa likod ng Christmas tree! Nandun! Nandun sya nakatira! Nandun sya nagtatago! Papatayin nya tayong lahat!"

Sa Likod Ng Christmas TreeWhere stories live. Discover now