Kabanata 7: Ang Simbahan

191 6 2
                                    

****

Nag spray ng inhaler si Jayson. Nagpahinga sandali, nag-ipon ng lakas. Paupo syang sumandal sa pader. "Kuya... Mama... Anung gagawin natin sa puno?" Tanong ni Jayson habang pinagmamasdan ang Christmas tree.

Nakaupo si Peter katabi ni Joshua, hinahaplos nya ang ulo ng kapatid, nanginginig ito at kanina pa tulala at hindi umiimik. "Gusto kong sunugin. Baka sakaling maglaho kasama nito yung halimaw. Kung itatapon 'to baka may magka interes, makawala pa yung demonyo."

Napa iling si Aling Lalaine. "Pwede kong dalin sa simbahan, ipapatingin ko kay Father Sebastian. Ako ng bahala tutal ako ang nagdala nyan dito." Mungkahi ni Aling Lalaine. Sumang ayon ang dalawang magkapatid ngunit humiling sila na samahan ang kanilang ina na ihatid ito sa simbahan.

"Bahala na kung hindi sila maniwala satin. Tama ka mama, yung simbahan ang pinaka ligtas na pagtaguan nyan hanggat wala pang nakaka alam kung anu talaga yang puno na yan." Sagot ni Jayson sa ina.

Kinaumagahan, naglakas ng loob dalin ng mag-anak ang Christmas tree sa simbahan. Ipinaliwanag ang lahat ng nangyari, walang labis, walang kulang. Handa silang harapin ang anumang pangungutya na kanilang maririnig, umaasang maiintindihan sila ng mga tao sa simbahan.

"Lalaine, saang mansyon mo nakuha 'to?!" Natatarantang tanong ni Father Sebastian. "Ibigay mo saakin ang kumpletong address ngayon din!"

Isinulat ni Aling Lalaine sa papel ang address. Takot na takot ang ekspresyon ng Pari na tila ba may naka ambang panganib. Pinagmamasdan din nito maigi ang Christmas tree. Pagkatapos makuha ng Pari ang address, dali dali nyang ipinatago ang puno at pinabantayan sa mga Madre.

"Kami na ang bahala dito. Maaari na kayong umuwi." Wika ng Pari na paalis na papunta sa pinagkuhanan ng puno. Ngunit bago ito maka labas ng simbahan, tumigil ito ng may napansin kay Joshua, huminto ito at tumitig sa mga mata ng bata. "Sabi ninyo binuhat si Joshua at dapat ay itatakbo palayo..."

"Opo Father Sebastian, napigilan lang ng mga taong pusa." Sagot ni Aling Lalaine. "Bakit po Father, anu po ba 'tong puno na 'to?"

Imbis na sumagot ang Pari ay tinitigan lamang si Joshua. Lumingon ito ka'y Aling Lalaine, "Wag kang mabibigla Lalaine pero hindi na yan ang anak mo. May kahati na sya sa katawan nya."

Nagulat ang mag-anak sa sinabi ng Pari, andaming tanong na tumatakbo sa kanilang isip.

Lumapit si Jayson sa Pari, "Father anu pong ibig sabihin nyo?!"

"Mamaya ko na ipapaliwanag anak. Dumito muna kayo sa simbahan. Sa ngayon kailangan kong hanapin ang may-ari ng mansyon na pinagkuhanan ng puno. May awa ang Diyos, hindi nya tayo pababayaan." Pagpapaliwanag ng Pari.

"At si Joshua.........

Wag nyong pababayaang makalabas........."

Author's Note: Maraming Salamat Po Sa Pagbabasa! Hanggang Sa Muli!

Author's Note: Maraming Salamat Po Sa Pagbabasa! Hanggang Sa Muli!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sa Likod Ng Christmas TreeWhere stories live. Discover now