"Guys dapat lagi tayong on time.. ayaw ko sa late... mas better na yung maaga tayo kaysa yung late." -- sermon nito sa amin.


"Noted Coach!"


"Okay warm up na muna kayo guys... and De Leon. Mag uusap muna tayo." -- sabi nito.


"Yes Coach." -- sabay sabay na sabi namin.


Nag start ng magwarm-up ang mga kasama ako habang ako sumunod kay Coach sa may Bleachers.


"Kamusta na yang ulo mo? Hindi ba sumasakit?" -- tanong ni Coach sa akin.


Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago ako sumagot.


"Okay naman na ako Coach... don't worry Coach, focus na po ako ngayon.. Ako po yung Captain Ball kailangan ko pong ipakita sa kanila na malakas ako at nasa tamang kondisyon." ---  sabi ko dito.


"I know na ganun ka... basta De Leon gusto ko focus ka muna sa game ha? Ipanalo nyo ang laro para sa School natin." -- masayang sabi ni Coach.


Hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng tiwala sa akin ni Coach... pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi ako magiging Captain Ball kung hindi nya ako pinush at prinactice... he's my mentor kaya nandito ako ngayon sa pwesto ko... he believes in me when the time that I don't believe in my self.


"Thank you Coach... hindi nyo po ako sinukuan nung time na gustong gusto ko ng sumuko at nawawalan ng pag asa." -- sinserong sabi ko, naalala ko tuloy nung first try out namin para sumali sa Volleyball Club.

"Naniniwala ako sa kakayahan mo De Leon." -- proud na proud na sabi sa akin ni Coach.


"Hindi ko po kayo bibiguin." -- kumpyansang sabi ko dito.


I should believe in myself... ang laki ng tiwala sa akin ni Coach, ito na yung huling taon namin dito sa School... diko sila bibiguin..


"Good, Warm-up ka na... at sesermunan ko na muna yung dalawang late." -- nakangiting sabi sa akin ni Coach.


"Yes Coach!" -- sabi ko naman..


Nakita kong tumatakbo sina Alex at Eliza at mabilis na pumunta kay Coach... napailing naman ako habang nag start na ako ng warm-up.


Mabilis natapos ang oras sa practice namin...


"Good game... Nice guys.. sana ganito kayo sa finals..." -- masayang bati ni Coach sa amin.


Napangiti naman kami kahit ramdam na namin ang pagod...


"We'll do that  Coach, di namin kayo bibiguin... diba guys?" -- sabi ko naman...


"Yes!!" -- sigaw naman nila..



"We're the team, we're the best!" -- masayang sigaw namin..

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant