"Tse! Kumain na tayo!" Sabi ni Mama at naunang umupo sa silya. Umupo narin kami ni Papa at nag-apir pa. Ang galing talaga namin ni Papa.

"Kamusta naman sa school mo anak?" Tanong ni Papa na ikinatigil ko. Geez, paano ko sasabihin sakanila ang nangyari kanina? Sabihin ko ba na nasampal ako?

'Wag na nga lang.

"Okay lang naman, Pa. Masaya nga eh." Matabang na sabi ko.

"Mabuti naman kung ganon, anak. Naalala ko pa dati iyon ang gustong gusto mong pasukan kaya doon ka namin pinasok ng Mama mo." Nakangiting sabi ni Papa. Ngumiti nalang rin ako at sumubo ng kanin. Ilang minuto kaming tahimik na kumakain ng biglang may kumatok.

"Ako na po magbubukas," Sabi ko at pumunta sa pinto at binuksan ito. Nanlaki ang mata ko ng makita si Kenrick. Muntik na akong mabulunan ng makita siya. Punong puno pa kasi ng kanin ang bunganga ko.

Tae, anong ginagawa niya rito?

Hindi ako makapagsalita dahil nginunguya ko palang ang pagkain sa bunganga ko. Nakita kong ngumisi siya at diretsong pumasok sa bahay. The heck.

"Good evening po, Tito and Tita." Bati niya sa mga magulang ko at nagmano.

"Oh hijo, tamang tama ang dating mo. Dito kana kumain. Maupo ka." Mabilis binigyan ni Mama si Kenrick ng silya. Bakit biglang naging sweet si Mama? Kapag sakin napakasungit. Tss.

"Salamat po." Sabi ni Kenrick at sumandok na ng pagkain niya. Aba't, walang hiya rin ang lalaking 'to ah! Baka nakakalimutan niya inis parin ako sakaniya. Kapal ng fez niya makikain rito.

"Anak, ba't nandiyan ka pa?" Tanong ni Papa ng mapansin nasa pinto parin ako.

"Ah, sorry Pa. May bata kasing paepal, pinapalayas ko lang sa tapat ng pinto." Sarkatikong sabi ko habang nakatingin kay Kenrick. Napangisi naman siya habang sumusubo ng pagkain.

"Ang sarap po ng luto niyo, Tita." Sabi ni Kenrick sa Mama ko. Namula naman si Mama sa sinabi ni Kenrick.

"Nako hijo, nangbola ka pa."

Nakanguso naman akong bumalik sa kinauupuan ko at pinagpatuloy ang pagkain. Habang sumusubo ng pagkain naramdaman ko ang titig ni Kenrick. Tinignan ko siya at bigla niya nanaman ako nginisian. Baliw na ba siya?

"Anong pinunta mo rito hijo?" Tanong ni Papa sakaniya.

"May nakalimutan po kasi akong sabihin kay Katrine." Sabi niya. Kumunot ang noo ko at napatingin sakaniya.

"Ano 'yon, hijo?"

Tumayo si Kenrick at tinignan ako. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Mahigpit na ang hawak ko sa kutsara at tinidor habang nilalabanan ang mga titig niya.

"I'm sorry." Sabi nito at binigyan ako ng pagyuko. Napanganga ako sa ginawa niya. Bakit kailangan dito pa sa harap ng mga magulang ko?

"I'm sorry sa nangyari kanina." Sabi niya at halata sa boses niya na sincere siya.

Nakita kong ngumiti si Mama, "Napakabait naman nitong si Kenrick."

Nanatili paring nakatayo si Kenrick kaya tumango na 'ko. "Okay na 'ko. Umupo ka na at kumain."

Hindi ko alam na ganito pala siya hihingi ng tawad sakin.

Umupo na siya at kumain na ulit.

"Ang bait ni hijo. Mabuti nalang at nakilala mo ang anak ko. Ikaw ang magiging good influence sakaniya." Sabi ni Mama na ikinairap ko habang nakatingin sa plato kong punong puno ng kanin at binabaha ng sabaw ng tinola.

"Oo nga mahal. Bihira nalang ang mga ganyang binata ngayon. Bukod pa do'n gwapo pa. Mana talaga kay pareng Ricko." Sabi din ni Papa. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya buti nalang nasa tabi ko lang ang tubig.

Seriously? Gwapo?

"Nako po, nahihiya na po ako sa mga sinasabi niyo.." Pabebeng sabi ni Kenrick. Gusto kong masuka sa pinapakita niya ngayon kila Mama. Kung alam niyo lang ang totoong ugali niyan, nako! Baka mag-iba ang pananaw niyo sakaniya. Napakadugyot niyan at bully!

"Huwag kang mahiya samin hijo, ang mga kaibigan ng anak ko ay tinuturing ko naring anak." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Anak? Talaga ba?

Nakita kong napangisi si Kenrick sa sinabi ni Mama. Sinulyapan niya 'ko at mabilis ko siyang inirapan.

Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Kung ano anong pinagsasabi nila sa lalaking kaharap ko. Hindi ko na kinakaya. Masyado ng sobra. Tss.

"Katrine!" Napatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ang sigaw ni Mama. Nagugulat na tinignan ko siya.

"Tignan mo ang ginawa mo sa pagkain mo!" Binaling ko ang aking paningin sa pagkain ko at laking gulat ko ng kalat kalat na ito sa lamesa dahil kanina ko pa hinahalo at dinudurog ang butil ng kanin. Patay! Lagot nanaman kay mudrakels! Bakit hindi ko napansing nagkalat na 'to? Dahil ba sa kakaisip ko sa walang hiyang lalaking nasa harap ko? Sorry po, Lord.

"Sorry, Ma. Lilinisin ko nalang." Sabi ko at sinimulan ng linisin. Bumuntong hininga nalang ang Mama ko.

"Tulungan na kita," Sabi ni Kenrick at kinuha ang basahan sa kamay ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko ng magtama ang kamay naming dalawa.

"O-Okay." Sagot ko at binigay ng tuluyan sakaniya ang basahan. Kinuha ko ang platong pinagkainan ko at mabilis na pumunta ng kusina. Pagkarating ko rito ay napahawak ako sa dibdib ko.

"Ano bang nangyayari sakin?" Bulong ko.

"You're nervous." Tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang boses ni Kenrick sa tenga ko.

Mas lalo pa akong hindi nakahinga ng marinig ko ang halakhak niya sa aking tenga at tumatama ang kaniyang paghinga sa aking pisngi. Damn.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now