Chapter 12

579 22 5
                                    

-------------------------------------------------

(DANIEL)

"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Julia habang hinihila ko sya papunta sa loob ng peryahan. "Shhh. Wag mo na isipin yun. Mag-enjoy na lang tayo. Saan mo ba gustong pumunta?" Nag-look around ako. Each side, dikit-dikit yung mga stalls na kung ano-ano ang tinitinda. May mga damit, accessories, souvenirs, pagkain, laruan, etc. Sa malayo naman ay makikita ang iba't ibang rides. Medyo mahahaba yung pila pero mukhang worth it naman. Gusto ko lang talagang i-clear yung mind ko after ng nangyari kagabi. Gusto ko kalimutan yung guilt na nararamdaman ko and just enjoy myself with the girl I like.

I turned my head para tingnan si Julia pero wala na sya sa tabi ko. Nagpa-ikot ikot ako para hanapin sya then finally, nakita ko sya sa harap ng isang stall na nagtitinda ng mga accessories ng babae. I ran over to her at napansing tumitingin sya sa mga kwintas. "Gusto mo?" tanong ko habang pinapanood syang mag-browse sa mga naka-display. Umiling sya sadly, "Hindi. May naalala lang ako." Nag-step away sya dito at nagsimulang mag-walk away. May naalala? Napaisip ako. Shit. Namimiss nya yung kwintas nya -.-

Sinundan ko si Julia at nakitang malungkot ito. Umihip ang hangin at na-lift up yung mahaba nyang buhok. Oh my God. Nag-look away agad ako, knowing na if I stared at her any longer, di ko na mapipigilan ang sarili ko. Pumunta ako sa isang stall na may basketball net. "Julia!" tinawag ko sya at pinalapit. "Padamihan tayo. Ang loser ang manlilibre mamaya sa pagkain..." binigyan ko sya ng isang bola at ngumiti. Kinibit nya ang kanyang mga balikat at nag-posisyon kami sa harap ng rings. "Ready! Set! Go!" sigaw nung lalaking nagbabantay dun sa stall. Stinart nya yung timer at agad akong nakapagpashoot. 

Kumuha ako ng isa pang bola at binato ito. Tumingin ako sa side ni Julia at nakitang nakaka-shoot din. Lamang na nga sya ng isa. Binilisan ko pa lalo. Kahit gusto ko, hindi ako magpapatalo. Magagalit lang si Julia if that happened. I went as fast as I could at nang matapos na yung 3 minutes, satisfied naman ako sa score ko. Tumingin ako sa scoreboard ni Julia at nakitang lamang sya ng 3 points. "Panalo ako!" sigaw nya cheerily. Napakamot ako sa ulo nang asarin ako nung lalaki pero losing didn't matter to me. Sumaya si Julia and that's what's important. 

Pinapili si Julia ng gusto nyang prize at yung stuffed toy na panda yung kinuha nya. "Gusto pa kitang pahiyain... Tara!" Grabe -.- Pumunta kami sa sunod na game na kung saan kailangan mong patumbahin yung limang bote sa likod gamit ang sampung maliliit na bola in 1 minute. Pinahawak sa akin ni Julia yung laruan nya para maglaro. Na-manage nyang makapagpatumba ng 3 before the time ended. "HAHA! FAIL!" asar ko. Siniringan nya ako tapos hinablot yung panda. "YABANG. SIGE NGA!" Inayos ko yung buhok ko at tumayo sa may counter. "Watch and learn, Julia. Bibigyan kita ng mas malaki pang plushie," kinindatan ko sya at nagbayad. 

Nagsimula yung time at agad akong nagbato.

Sala.

Try ulit.

Sala.

Try ulit.

Sala.

Try ulit.

Yan!

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon